Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jillian Ward

Jillian nailigtas ng isang fan na nagbigay ng Bible verse

MATABIL
ni John Fontanilla

INTERESTING ang mga pahayag ng Kapuso aktres na si Jillian Ward sa muling pagbisita nito sa Fast Talk with Boy Abunda sa kanyang mga  plano ngayong 2025.

Tsika ng My Ilonggo Girl lead staR, “Gusto ko po na mas i-push pa ‘yung sarili ko po.

“But also, gusto ko rin po na mas magkaroon pa po ng work-life balance talaga.

“At mas ma-manage at ma-balance ko po ‘yung work at personal life  ko.”

Gusto rin nitong makagawa ng roles na mas magbibigay pa ng inspirasyon sa mga manonood katulad ng Abot Kamay ang Pangarap.

Sana nga ay mabigyan siya ng mga proyektong makabuluhan at challenging roles na hahasa sa kanyang pag-arte.

Gusto rin nitong maging sentro na ng buhay niya ang Panginoong Diyos. Minsan na rin kasi siyang nag-aalinlangan dito pati na rin sa kanyang sarili na at the end ay na-realize niya na mali.

Sabi ko parang mali po ‘yun. So this year, gusto ko talaga mawala ‘yung doubts ko.

Gusto ko ring mawala ‘yung fears ko, kasi alam ko na he’s protecting me and guiding me.

Pero by the end of it po, natutunan ko ‘yung kung ano talaga ‘yung purpose ng ginagawa ko kasi ang dami po talaga palang nai-inspire. 

“My story po ako, nagte-taping po ako ng ‘My Ilongga Girl’ tapos I was doubting myself, ‘Ano po bang purpose ng ginagawa ko?’”

Pero nabago ang lahat nang may isang fan na nagbigay sa kanya ng Bible verse.

May nagbigay po sa akin ng Bible verse, sinasabi niya, ‘Trust God, He has plans for you,” pagtatapos ni Jillian.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …