I-FLEX
ni Jun Nardo
MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025.
Ipinagpatuloy ng Bulaga ang nakaugaliang mag-live show tuwing unang araw ng bagong taon. At sa live episode noong January 1, ipinakita ng Bulaga ang bagong renovate na studio nila sa TV5 Mandaluyong na mas pinalaki para makapasok ang mas maraming audience.
Isa pang dahilan ng celebration ay ang pagpanig ng isang division ng Court of Appeal sa desisyon ng RTC Marikina na pinaboran ang Tito, Vic and Joey na tunay na may-ari sa trademark name na
Inapela ng TAPE at GMA ang desisyon ng RTC Marikina pero nabigo rin sila.
Kaya naman ayon sa bahagi ng desisyon, binawalan na ang TAPE at GMA na gamitin ang trademark na Eat Bulaga na ang tunay na may-ari ay Tito, Vic and Joey.