MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagustuhan ni Nadine Lustre nang makitang display sa Manila Zoo ang naka-preserve na katawan ng namatay na elepanteng si “Mali.”
Si Mali ang nag-iisang elepante sa bansa na namatay matapos makuha ng Manila Zoo.
Namatay si Mali noong November 2023 dahil sa congestive heart failure at dumanas din ng cancer, ayon sa Manila Zoo veterinary.
Sa kanyang Instagram Stories, inilabas ni Nadine ang reaksiyon sa isang article patungkol sa pagdi-display sa taxidermy ni “Mali”, na kilala rin bilang si Vishwamali.
“Mali’s legacy deserves respect, not display. Let her rest in peace!!!” sey ni Nadine.
Si Mali ay nagmula sa Sri Lanka at dinala sa Pilipinas noong 1977 bilang regalo kay dating First Lady Imelda Marcos.