Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala siya na malaki ang maitutulong nito lalo sa mga may sakit ng cancer.

Kamakailan isang press conference ang naganap sa Forum 2AB ng Solaire Resorts para ibahagi ng senador ang suportang nakuha mula sa mga kilalang pandaigdigang eksperto sa cannabis para sa pagsusulong ng legalisasyon ng Medical Marijuana ayon na rin sa nakasaad sa Bill No 273 o ang Cannabis Medicalization Act of the Philippines.

Kolektibong isinusulong nina Sen. Robin at ng global cannabis experts na sina Dr. Shiksha Gallow at Wayne Gallow ang pagsusulong sa medical cannabis na anila’y makatutulong sa pain management ng mga cancer patinet, bukod pa sa ibang benepisyo.

 “Sa matagal na panahon po lagi po itong umaabot ng third reading sa House pero pagdating po sa Senate hindi po ito tumatakbo. Siguro po dahil sa generation gap dahil matagal sa panahon na ‘yung mga nakaupo din sa ating Senado, sa atin pong mataas na Kapulungan ay medyo nakatatanda,” paliwanag ni Sen. Robin. 

“Ang mga nakaupo po ngayon na mga senador ay mas kaedad po natin, mas naiintindihan na po nila kung ano ang benepisyo ng cannabis. Kaya po ngayon umabot na po kami sa interpellation,” sabi pa ng senador kaya naman unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa na maaprubahan na ito.

Sinabi pa ni Robin na tiyak na maraming matutulungang mga kababayan natin ang medical cannabis na maysakit at hirap ang buhay na hindi kayang gumastos. Na sinang-ayunan ni Dr. Shiksha Gallow.

“It’s time because patients need it, the science supports it,” anang doktora.

Ang medical cannabis ay para sa chronic pain, auto-immune inflammatory conditions tulad ng multiple sclerosis, rheumatoid arthritis, insomnia, epilepsy, cancer, ADHD, at autism.

“Thailand has opened up cannabis but now it’s time for the Philippines to give it a try. I believe Philippines can lead medical cannabis in Asia,” sabi pa ni Dr. Gallow.

Sinabi pa ng doktora na ang cannabis ay addictive subalit ito ay pitong (7) porsiyento lamang. Mas nakaaadik pa ang caffeine (coffee) dahil ito ay may 9 na porsiyento  at ang inuming alcohol na mayroong 20%,  at ang paninigarilyo na may 30%.

“So why are we demonizing something that is less addictive than the cup of coffee on your table?” sambit pa ng doktora.

Naibahagi ni Robin na nakita niya kung gaano kabisa ang medical cannabis nang magtungo siya sa Israel at Prague at doo’y nakita niya ang mga taong may sakit na gumagamit.

“Noong magpunta po ako roon, medical cannabis ang kanilang iginagamot po sa kanilang mga matatanda, sa pain, cancer.”

Pumasa na sa Kongreso ang pinayl niyang Senate Bill 2573 o Cannabis Medicalization Act of the Philippines kaya naman hinihintay na lamang niyang pumasa rin ito sa Senado. 

Sinabi pa ni Robin na sakaling maging legal na ang medical cannabis, maraming benepisyong medikal ang makukuha.

“Ito na ang pinakamura at pinaka-epektibo na puwede pong i-subsidize ng gobyerno.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Alex Eala

Alex Eala tiyak na ang bronze medal sa dominadong panalo laban sa Malaysian

NONTHABURI – Tiniyak ni Alex Eala na may isa pa siyang medalya sa 33rd Southeast …

Elreen Ann Ando SEAG

Ando nagbigay ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting

CHONBURI – Siniguro ni Elreen Ando ang unang gintong medalya ng Pilipinas sa weightlifting sa …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …