Saturday , January 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ron Angeles Aga Muhlach Nadine Lustre Vilma Santos Uninvited

Ron Angeles dream come true makatrabaho sina Vilma, Nadine, at Aga

MALAKING karangalan para sa guwapong aktor na si Ron Angeles ang mapasama sa pelikulang Uninvited na entry ng Mentorque Productions sa MMFF 2024.

Dream come true para kay Ron ang makatrabaho ang Star For All Seasons Vilma Santos, award winning actress  Nadine Lustre, at award winning Actor Aga Muhalch.

“Isang malaking karangalan po sa akin ang makatrabaho ang Star For All Season na si Ms Vilma Santos na napakahusay na aktres at si sir Aga Muhlach na napakahusay na aktor, at ang  award winning actress, Nadine Lustre.

“Sino ba namang baguhan na katulad ko ang hindi nagnanais na makatrabaho silang tatlo, kaya napaka-suwerte ko, dahil nakasama ako sa ‘Uninvited,’” masayang turing ni Ron.

Nagpapasalamat din si Ron sa Mentorque Productions at kay Mr. Bryan Dy dahil isinama siya sa said movie.

“Nagpapasalamat ako kay sir Bryan Dy at sa Mentorque Productions dahil isinama ako sa ‘Uninvited.’ Biruin mo last year nakasama ako sa ‘Mallari’ na entry din sa Metro Manila Film Festival at nakatrabaho ko ang mahusay na aktor na si Piolo Pascual.

“Tapos ngayon kasama naman ako sa ‘Uninvited’ na kasama rin sa Metro Manila Film Festival 2024 at nakatrabaho sina  Ms Vilma, sir Aga, at Nadine.”

Kasama rin sa pelikula sina Mylene Dizon, Gio Alvarez, Ketchup Eusebio, Gabby Padilla at marami pang iba.

Ang Uninvited ay mapapanood in cinemas nationwide simula December 25 (Christmas Day) at ito ay idinirehe ni Dan Villegas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …