Thursday , December 19 2024
The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Magandang produksiyon ng The Kingdom kapuri-puri

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAPA-WOW! ang karamihang nanood sa isinagawang special screening ng Metro Manila Film Festival entry na The Kingdom noong  Lunes sa Director’s Club SM Megamall.

Pinuri ang magandang produksiyon at world-class na pagganap ng mga artista na pinangunahan nina Vic Sotto at Piolo Pascual. 

Sa pagganap nila sa bawat karakter talaga namang tumatak sa puso ng mga nakapanood. Hindi maikakaila ang lalim ng istorya at emotional punch nito dahil nakaiiyak ang istorya, sa totoo lang. 

Ayaw naming idetalye ang aming napanood pero kahanga-hanga kung paano nabuo ang pelikula – mula sa stunning visuals na nagpakita sa naiibang Pilipinas bilang Kaharian ng Kalayaan, sa dynamics ng amang hari na si Lakan Makisig (Vic) at mga anak niyang sina Magat Makisig (Sid Lucero), Dayang Matimyas (Cristine Reyes), at Dayang Lualhati (Sue Ramirez), hanggang sa tunggalian ng mga nasa kapangyarihan at nasa laylayan ng lipunan. 

Ibang klase ang ipinaglalaban ni Sulo (Piolo) na nagbigay ng napakalaking twist sa kuwento. 

Kaabang-abang ang naging paghaharap ng mga karakter nina Vic at Piolo na talaga namang tumagos sa puso. Bawat linyahan ay ramdam na ramdam, lalo na’t nagbukas ito ng mga rebelasyong hindi mo aakalain.

Nagustuhan din namin ang magaling na pagganap ni Iza Calzado bagama’t maigsi ay ramdam na ramdam ang presensiya niya.  Kasama rin sa pelikula sina Zion Cruz, Iza Calzado, Art Acuña, Giovanni Baldisseri, at Nico Antonio.

Highly recommended na mapanood ng bawat Filipino ang The Kingdom dahil kahit isang fictional na bansa ang Kaharian ng Kalayaan, malinaw nitong sinasalamin ang mga totoong pangyayari sa ating lipunan. Isang pelikulang punompuno ng high drama, nakaiintrigang unexpected characters, at plot twists na tatatak sa puso’t isipan ng mga manonood.

Kaya’t sa December 25, ayain ang buong pamilya para maka-experience ng kakaibang Pilipinas na hindi pa nasasakop ng ibang bansa at ang nagpapalakad ay ang mga Datu.

Rated PG ng MTRCB, ang The Kingdom ay idinirehe ni Mike Tuviera, handog ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, at APT Entertainment Inc.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Dominic Roque Sue Ramirez

Dominic kinompirma relasyon kay Sue, ibinandera sa isang party

NGAYONG idinisplay na rin ni Dominic Roque si Sue Ramirez sa isang Christmas Party sa ineendoso niyang fuel company, …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro …

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong kaya pa ring tumalon, mag-dive sa ere, makipagbakbakan

HARD TALKni Pilar Mateo HINDI pa rin talaga mawawala sa mga tanong kay Senator Ramon ‘Bong’ …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth pinuri sa My Future You, kikilalaning big star/loveteam sa 2025

I-FLEXni Jun Nardo NA-MISS namin ang premiere ng Regal’s MMFF movie na My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin last Monday …