Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang binigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para sa linggong ito.

Ang epic, “The Lord of the Rings: The War of the Rohirrim,” isang prequel sa mga nangyari sa trilogy na “The Lord of the Rings,” ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Rated PG din ang mga animated movies na “Bocchi The Rock! Recap Part 2” at “Daft Punk & Leiji Matsumoto: Interstella 5555.” Kaparehong PG din ang horror-comedy na “Betting With Ghost,” mula Vietnam; “Christmas with The Chosen Holy Night,” at ang mga concert films mula South Korea na “Seventeen Right Here World Tour” at “NCT Dream Mystery Lab: Dream Scape.”

Sa PG, kailangang kasama ng edad 12 at pababa ang mga magulang o nakakatanda sa sinehan.

Ang “Kraven The Hunter” at “Dirty Angels” ay parehong rated R-16 – mga edad 16 at pataas ang puwede lamang makapanood.

Binigyang-diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa paggabay sa mga bata habang nanonood.

“Habang mahigpit na tinitiyak ng MTRCB na ang lahat ng pelikula ay may angkop na klasipikasyon, esensiyal din na maging aktibo ang bawat magulang at guardian sa paggabay sa mga bata pagdating sa pagpili ng angkop na palabas,” sabi ni Sotto-Antonio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …