Wednesday , December 18 2024
Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa katatapos na 9th Urduja Film Festival.

Kabilang sa nakamit nilang parangal ang Best Ensemble Acting, Best Senior Actress-Tess Tolentino at Janice Jurado, and Best Supporting Actress – Sabrina M.

Samantala, ang direktor ng Manang na si Romm Burlat na isang aktor din ay nanalo naman dito bilang Best Actor para sa pelikulang ‘Tutop’. Co-winners ni Direk Romm para sa Best Actor sina Baron Geisler para sa ‘Doll House’ at Elijah Canlas ng pelikulang ‘Keys To The Heart’.

Ano ang reaction ni Direk Romm sa panalo ng pelikula nilang Manang?

Aniya, “Sobrang saya, kasi we are vindicated. Inisnab kasi kami ng isang may pangalan na award giving body. Parang “unedited” daw.

“I don’t know if pinanood talaga nila, but the prestigious Urduja Film Festival has high praises namin. In fact, binigyan kami ng Best Ensemble Acting award na parang ka-level ng ‘Tanging Yaman.'”

Ang pelikulang Manang ay ukol sa istorya ng taong iginagalang na hindi nangangahulugang matanda na. Ito ang mga taong dapat na nirerespeto, istorya ito ng mga guro at maraming aral ang mapupulot dito.

Nabanggit ni Ms. Tess na ang pelikula ay tribute sa mga teacher na itinuturing na pangalawang magulang ng mga mag-aaral at kabalikat sa kanilang magiging magandang kinabukasan sa hinaharap.

Esplika ng actress/producer, “I can say that this movie, Manang is a tribute for all the teachers, for being the source of students’ knowledge and wisdom. In the movie, I portrayed a role of a teacher; who touched many lives in her community beyond her duty as a teacher and motivated her students to see the value of education thru the lessons she prepared and taught her classes. Manang transformed or molded her students to see themselves in the future as successful human beings.

“Sa huli, parang maligaya sila sa natapos ng anak nila, dahil doon sa magaling na teacher na may malasakit sa mga estudyante nila. May moral lesson talaga sa movie,” nakangiting wika pa ni Ms. Tess.

Ang pelikulang Manang na isang advocacy movie ay tinampukan nina Julio Diaz, Sabrina M, Janice Jurado, at Ms. Tess Tolentino, na siyang producer din ng pelikula.

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB

MTRCB inilabas angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

SIYAM na pelikula mula sa maaksiyon hanggang sa nakaaantig ng pusong mga istorya ang binigyan …

Mary Joy Apostol Akihiro Blanco The Last 12 Days 

Mga pelikula ng Blade nasa Viva na, The Last 12 Days napapanood din sa 80 bansa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Mr Robert Tan, may-ari ng Blade nawala silang experience sa paggawa ng …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Mon Confiado Espantaho

Mon Confiado, kompiyansang papatok sa MMFF50 ang pelikulang Espantaho

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HABANG papalapit ang December 25 ay mas nagiging excited ang …

Akihiro Blanco Mary Joy Apostol

The Last 12 Days nina Akihiro at Mary Joy mapapanood sa Viva One

MATABILni John Fontanilla PARANG sumakay ka sa rollercoaster kapag pinanood mo ang pelikulang The Last 12 …