SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio
INAMIN ni Mr Robert Tan, may-ari ng Blade nawala silang experience sa paggawa ng pelikula kaya naman kinailangan nilang hingin ang tulong ng Star Cinema.
Ang pag-amin ay inihayag ni Mr Tan sa Red Carpet Premiere sa Ayala Manila Bay Cinema noong Huwebes bago simulan ang pagpapalabas ng The Last 12 Days na pinagbibidahan nina Mary Joy Apostol at Akihiro Blanco.
Unang ginawa ng Blade ang Andito Lang Ako na pinagbidahan nina Michelle Vito, Jon Lucas, at Akihiro Blanco noong 2018 at idinirehe ni Roderick Lindayag.
Ayon kay Mr Tan marami silang natutunan sa pelikulang ito. “Isa sa natutunan namin ay dapat maganda ang theme song kasi ito rin ang nagdadala sa emosyon ng tao.
“At napaka-palad namin na si Jay R ang kumanta ng aming theme song at composed by Jack Rufu ng NeoColours,” pagbabahagi pa ni Mr Tan.
Maraming offers din ang dumating sa kanila ayon kay Mr Tan para gumawa pa ng pelikula matapos ang Andito Lang Ako. “Hindi ko lahat pinansin. Somehow hindi ko maintindihan kung bakit itong tao na ito na lumapit ay pumayag akong makipag-meeting sa isang cheap pang lugar.
“At doon nag-pich si Jack Logan (direk CJ Santos) ng kanyang kwento.
“At sinabi ko kay direk CJ, ‘gawin na lang nating mini-series.’ Dahil that time uso ang 2-minute, 3-minute video. Sabi ko pa gumawa kami ng 12 okasyon na importante sa buhay ng isang tao. Nariyan ang graduation, panganganak, nanliligaw, sinagot, nabasted.
“At itong 12 na ito gagawin nating episode at ilalabas sa Youtube. At ang kondisyon ko lang kay Jack kapag kinabit-kabit itong 12 na ito kailangan makabuo ako ng isang movie,” tuloy-tuloy na kuwento ni Mr Tan.
“At nang ilabas namin sa Youtube wala pang 30 ang nanood. Flop na flop ang aming mini series. Kaya noong time na binuo na ni direk CJ and ‘12 Days to Destiny’ (2019), inilabas lang namin sa Youtube without any expectations,” sabi pa.
At laking gulat nila na biglang dumami ang views ng serye.
“Hindi namin alam na may magic pala sina Daniel (Akihiro) at Camille (MaryJoy). Sina MaryJoy at Aki ay in-embrace ng ating viewers at ito’y nag-viral sa loob ng isang buwan, umabot tayo ng mahigit 1 million views.
“Naging malaking clamor na magkaroon ng sequel ang aming movie. Kaya inupuuan na namin ni direk CJ at ng iba pa naming kasamahan.
“At lumabas na nga ang ‘The Next 12 Days.’
“Panahon ng pandemic nag-shoot din kami nag-experiment kami. Gumawa kami ng pelikula na hindi naman love story, hate story starring Hasna Cabral at Jal Galang, ang ‘Good Times Bad’ noong 2020. Ginawa ito during the pandemic kaya mahirap pero ginawa pa rin namin. Ang resulta nito, nagkaroon ng 25 million views ang aming Youtube channel.”
Pagkaraan nito at nabigyan sila ng Silver Play Button mula YT.
“Kinilala tayo ng YT at nabigyan ng silver play button. Hindi namin ito ine-expect at dito rin kinilala ng ABS-CBN ang aming pelikula. Sabi nila, ‘this is a movie that we never sought needed.’ Ito ‘yung ‘The Next 12 Days’ na itinigil nila pero pagkaraan ay in-announce nila na dapat ipagtanggol.“
Naibahagi rin ni Mr Tan na nitong October, hindi nila ine-expect nang ipatawag sila ng Boss Vic del Rosario ng Viva. Inimbita sila sa 43rd anniversary nito.
“Nagustuhan ni Boss Vic ang ating film gusto raw niyq isama sa kanilang catalogue. Sina Daniel at Camille ay likha ni direk CJ at destiny natin dahil ang character na Daniel ay del Rosario ang apelyido.
“Destiny namin dahil simula ngayong araw ang lahat ng films ng Blade ay pina-sign up na ni Boss Vic. Lahat ng pelikula ng Blade ay bahagi na ng catalogue ng Viva Films,” masayang pagbabahagi pa ni Mr Tan.
At noong Huwebes matagunoay ang isinawang
Premiere ng huling chapter ng The Last 12 Days.
Idinagdag pa ni Mr Tan na, “Malungkot pero masaya rin tayo dahil mamayang gabi 80 bansa ang makakapanood ng pelikula.”
Palabas na ang The Last 12 Days sa 80 countries sa pamamagitan ng Viva One.
Binabati namin ang tagumpay ng Blade PH at sa bumubuo ng The Last 12 Days.