Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEX
ni Jun Nardo

BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis ni Senator Bong Revilla, Jr. na mapapanood sa GMA simula sa December 222 sina Jillian Ward at sikat na social media influencer na si Boss Toyo.

Bago magpasabog ng P10K na pa-raffle sa entertainment media, tinanong namin si Boss Toyo kung paano siya nakumbinseng lumabas sa sitcom.

Noong may nag-chat sa akin sa Viber, tsinek ko muna ang schedules ko. Tapos, kalugar ko siya sa Cavite at talagang idol ko po siya dati pa.

“Sabi ko, sige po, basta sa schedule lang. Marami rin akong natanggihan na ibang series because of my schedule.

“Pero ito, hindi ko puwedeng palagpasin, ang isang Bong revilla at kalugar ko rin po sa Cavite kaya grinab ko ang opportunity,” pahayag ni Bos Toyo sa mediacon.

Dahil nag-guest ka rito, pupunta rin ako roon (sa shop niya).

“Actually, maraming nag-o-offer sa kanya. Kababayan natin.

“Magaling na artista! First time niya. Natural na natural na artista. Innate na sa kanya.

“Hindi siya magging isang Bos Toyo kung hindi siyan magaling kumonek sa mga tao. Nagpa-vlog ka. Ipinaliliwanag mo ang message na gusto mong iparating sa kanila.

“Ibig sabihin niyon, may puso ka at may utak ka!” deklarasyon ni Boss Toyo.

Mas pinalaki ang action scnes, mas ginastusan, at mas pinuno ng aral ang bagong season ng Bong Revilla, Jr. sitcom na Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis mula sa direksiyon ni Enzo Williams.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …