Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWAN
ni Ed de Leon

LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating Secretary at NTF ELCAC spokesperson noong panahon ni  Presidente Digong na sina Lorraine Badoy at  Jeffrey Celiz. Ito ay ang pagre-red tag kay Atom Araullo at sa kanyang pamilya. Sinabi ng dalawa na si Atom ay gumagawa ng documentaries na halata raw kampi sa CPP-NPA,NDF. 

Sinabi ni Atom na dahil sa pagre-redtag sa kanya ng dalawa ay nakatanggap siya ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Hindi lang naman si Atom ang nakaranas niyan, maging ang aktres na si Angel Locsin na tumutulong na nga lang kung may mga kalamidad, na red tag pa rin  noong panahon ni Preidente Digong at pinagbintangan pang tumutulong sa mga maka-kaliwa dahil sa kanyang pinsang si Neri Colmenares, at sinabi pang ang kapatid niya ay kasama sa aktibo at armadong pakikibaka ng NPA. Para matahimik na lang umiwas na muna si Angel, hindi na muna tumanggap ng assignment sa kanyang career at tinigilan na muna ang pagtulong sa panahon ng mga kalamidad dahil minasama pa nga ang kanyang pagtulong.Masama talaga iyang red tagging. 

Noong raw naging biktima rin kami niyan, nakipagtulungan kami sa Red Cross para magbigay ng medical assistance sa mga mahihirap lalo na sa mga liblib na probinsiya. Naging maganda ang resulta ng proyekto, kung saan-saan kami nakakarating at nakakapag-paabot ng aming tulong. Iyong medyo malala na ang sakit ay itinatakbo ng ambulansiya ng Red Cross sa mga ospital dito sa Maynila na mas mabibigyan sila ng magandang serbisyo. Ewan naman kung bakit isang araw na lang, sinabihan kaming itigil namin ang aming ginagawang proyekto dahil nagbibigay daw kami ng gamot sa mga sugatan at may sakit na NPA.

Sa isang medical assistance project, masisino mo pa ba kung sino ang NPA at hindi? Hindi mo naman kakilala ang lumalapit sa iyo at humihingi ng tulong. Isa pa ang Red Cross ay isang non-political organization at lahat tinutulungan nila, kaibigan man o kaaway. Sayang ang proyeko naming iyon dahil marami nang kompanya ang nagdo-donate ng mga gamot, marami nang mga doktor ang sumasama, maging mga military doctor din at marami ang nagsasabing magandang proyekto iyon dahil marami kang natutulungang mahihira.  Pero kailangang itigil dahil sa red tagging na ginawa.

Kaya iyang red tagging napakasama lalo na at wala naman silang ebidensiya kundi hear say.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

MTRCB Lala Sotto MMPRESS

MTRCB, Netflix, Viu magtutulungan regulasyon na ipalalabas

I-FLEXni Jun Nardo ISA sa layunin ng pamunuan ng MTRCB na si Chairwoman Lala Sotto eh palaganapin at ituro …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …