ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
IPINAHAYAG ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na masaya siya sa magandang feedback sa kanilang pelikulang Topak na pinagbibidahan nina Arjo Atayde at Julia Montes.
Sa mga hindi aware, si Ms. Sylvia rin ang producer ng Topakk.
Wika niya sa presscon nito recently, “Gusto ko lang magpasalamat sa inyong lahat na dumating kayo rito. Ang lahat ng nakikita ninyo rito ay makikita nyo rin sa pelikulang Topakk. Kung nagtataka kayo, bakit nandito tayo, dahil ito po ay set ng Topakk, kung ano iyong nakikita nyo rito…
“By the way, kanina napanood na ng mga bloggers, Tiktokers, mga influencers, lahat… at masaya ako sa mga naging komento kanina.”
Dagdag pa ni Ms. Sylvia, “Isa lang po ang sasabihin ko sa inyo, maniwala kayo, artista ako, ang gagaling ng mga artista ko rito sa Topakk, kaya panoorin po ninyo ito, December 25 na po. Maraming salamat.”
Ang Topakk ay nagpabilib na sa global audience mula sa 78th Cannes Film Festival, Locarno, at Austin. Ipinagmamalaki ng Nathan Studios sa pangunguna ni Ms. Sylvia na ang pelikulang pinroduce nilang Topakk ay nasa Pinas na at bahagi ng Metro Manila Film Festival 2024 na magsisimula sa December 25.
Ayon pa kay Ms. Sylvia, mas naiintindihan na raw niya ngayon ang trabaho ng production people dahil producer na rin siya ngayon.
“Mas mahirap talaga ang ginagawa nila. Walang kain, takbo rito, takbo roon. Unlike artista ako, pagdating ko sa set, aarte lang ako. Ngayon, nararanasan ko yung hirap, ‘yung magutom,” aniya.
Ang pelikula ay tumatalakay sa dating special forces operative played by Arjo, na dumaranas ng Post Traumatic Stress Disorder o PTSD.
Aminado rin ang ermat ni Arjo na astig si Julia pagdating sa actions scenes dito.
“Hindi lahat ng Action Star lalaki! Abangan niyo si JULIA MONTES sa #TOPAKK. Ang lakas ng #TOPAKK niya!!!
Damay damay na to!!! The new action star is here!!!” Post pa ni Ms. Ibyang sa kanyang FB.
Pagdating naman kay Arjo, na isa pa ring award-winning actor, game siya kahit masaktan pa sa mga actions scenes dito.
Aniya, “Gusto ko naman ito. We all have bruises and everything, sanay naman tayo gumagawa ng movies at teleserye na may action. We expect those bruises and wounds, It’s part of the fun.
“Masakit siya pero it’s part of the fun. It’s part of everything kasi di naman sinasadya na accidents do happen and that happen also with some actors.”
Sinabi rin ni Arjo na sobra siyang na-immersed sa kanyang role bilang sundalong may Post Traumatic Stress Syndrome sa pelikula.
“It’s a very well thought of concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with Direk Richard,” saad pa ng aktor/ public servant.
Anong preparations niya sa role? “I watched videos sa YouTube about people suffering from PTSD. I studied my role. Noong ibinigay sa akin ang role, I told direk na mag-send ng videos sa akin and I watched them bago matulog. Iyon ang assignment ko, at least once a day, either day or night, make sure to watch these videos,” pahayag ni Arjo.
Dagdag pa ng aktor, “More than a psychological or mental state, the condition calls for compassion and understanding.”
Mula sa direksiyon ni Richard Somes, tampok din sa pelikula sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, and Geli Bulaong