I-FLEX
ni Jun Nardo
HINDI boyfriend ni Alexa Miro ang anak ni President Bongbong Marcos na si Rep. Sandro Marcos.
“Magkaibigan lang po kami. Hindi pa level up ang friendship namin,” diretsong sagot ni Alexa nang ma-interview namin sa Maritess University.
Itinanggi rin ni Alexa na isa sa producers ng MMFF movie niyang Strange Frequencies: Taiwan Kiler Hospital at pagpunta sa Taiwan na location ng movie.
“Hindi rin po siya producer. Gusto sana niyang pumunta dahil hindi pa siya nakapupunta sa Taiwan. Eh alam naman po ang trabaho niya, kaya hindi siya nakarating,” sagot ng aktres.
Sa MMFF movie na kasama ni Alexa sina Enrique Gil, Jane de Leon, MJ Lastimosa, Ron Gomez, at ang sikat na vlogger na mahilig sa content na eerie at nakatatakot, ang lahat ay para sa content pala pero nang makita ang rushes nito, aba, naging full blown movie na at entry pa sa MMFF 50, huh!