ni Ed de Leon
“TUMATANDA na rin ako, hindi na ako bagets.Isang araw hindi na lang ako papansinin niyang mga nagkakagulo pa sa akin ngayon, kasi may darating na mas pogi,mas bata kaysa akin at siya naman ang magiging star. Kaya ginagawa ko na lahat ng magagawa ko ngayon para kung dumating ang araw na iyon, ok na ako. Wala na akong sasabihin sa mga tao. Wala akong pakialam sa discrimination, basta masiguro ko ang kinabukasan ko, ayos na iyon sa akin.
“Totoo marami akong ginagawa ngayon na hindi ko dapat gawin. Pero ginagawa ko na dahil naghahabol ako ng pagkakataon. Pero gusto kong guminhawa sa buhay,” sabi ng isang male starlet na may kakaibang sideline.
Wala na siya sa dating istambayan niya dahil kept man na siya ngayon ng isang high government official at isang sikat na tv personality. Doon sa dati niyang istambayan laos na siya, may mga nagsasabi na ng sikreto niya at sinasabing bading na rin siya.