Monday , January 6 2025
SPEEd Christmas Party

Christmas party ng SPEEd ‘di namin pinalalampas

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGANG nagbago na ang life style namin, hindi na kagaya noong araw na kung saan-saan kami nakakarating, nakikipagkuwentuhan kami kung minsan hanggang madaling araw at uuwi lamang kung halos umaga na. Ngayon halos ayaw na naming lumabas kung gabi, iba na talaga kung nagkaka-edad na. 

Minsan inaabot din naman kami ng hanggang madaling araw gising pa pero nasa bahay na lang. Maaga na kaming umuuwi ng bahay kaya nga tuwing gabi ay nasisindihan namin ang ilaw ng parol namin, hindi gaya noong mga nakaraang taon, may nakasabit ngang parol pero wala namang ilaw kasi nga walang tao sa bahay.

Pero noong nakaraang linggo pa panay ang paalala sa amin ng aming editor na si Maricris Nicasio niyong Christmas party ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors). Tapos mga apat na members pa ng samahan ang tumawag sa amin at nangunmgumbida rin. 

Ang totoo iyang Christmas party ng SPEEd ang isa sa hindi namin pinalalampas dahil enjoy kami na kasama sila. Maraming kuwento at katuwaan.

Pero napansin namin, iyong party nila ngayong taong ito ay talagang nag-level up. Malaki ang kanilang exclusive venue at marami silang bisitang artista mula sa iginagalang ng industriya na si Boots Anson Rodrigo, hanggang doon sa mga baguhan ng VMX

Hindi namin siya nakitang pumasok pero nagulat na lang kami nang lapitan at batiin ni Ara Mina. Naroroon ang mismong may-ari ng venue, Rampa, na si RS Francisco, na sinasabing kinumbinsi niya ang kasosyo sa isa niyang negosyo, ang kandidato para mayor ng Maynila na si Sam Versoza na magpunta rin sa party para makilala ang mga miyembro ng SPEEd. 

May mga producer din doon. Naroroon si Roselle Monteverde kasama ang anak na si Atty Keith Monteverde ng Regal at si Bryan Diamante ng Mentorque. Mayroon ding mga taga-ABS-CBN at GMA 7 din. Well attended ang party nila at ang mga host na sina Tessa Mauricio at Dondon Sermino, mukhang na master na ang pagiging party hosts. Hindi kami magtataka kung isang araw sumasabak na rin ang dalawang iyan  sa mga corporate show. Delikado ka na Boy Abunda.

Ngayon lang din namin nalaman na maganda pala ang boses ng editor na si Janiz Navida at mukhang talagang pinaghandaan ang kanyang pagkanta dahil ang suot niyang gown akala mo iyong mga isinusuot nina Pilita Corrales at Carmen Soriano noong araw sa kanilang performances. Pero tama na, masyado nang maraming trabaho si Janiz hindi na nga nagagawang mag-bake ng cake gaya noong araw. Bukod kasi sa pagiging editor mayroon pa siyang theraphy clinic. Kaya kahit na kaya niyang gawin hindi na siya dapat pumasok na singer. 

Ang na-miss naming isa ay iyong pagkanta ni Ervin Santiago, na talaga namang nakatutuwa. Pero noong isang gabi naging segment host lamang sila ni Rohn Romulo.

Sa party nila pinaghahandaan ng mga editor ang kanilang get up. Simple lang si Maricris kasi conservative naman talaga iyan. Si Jerry Olea naka- Santa Clause costume pa talaga, at si Salve Asis  akala mo senior high school sa kanyang get up. Talagang pa-bagets kahit na may anak na ring bagets.

Masaya ang party na iyon at masarap sanang umistambay pa, pero kailangan pa naming gawin ang aming deadline, kung hindi baka masita na naman kami na late ang aming email.

Iyong party ng SPEEd, it was really a night, kaya sabi nga namin siguro isang Christmas party na lang ang pupuntahan namin at tama na ang Pasko para sa amin. Mas masarap kasing magpahinga sa bahay, masdan ang mga ilaw ng parol at Christmas tree habang pinakikinggan ang mga traditional na awiting Pamasko.    

Minsan nga binibiro ako ng kapitbahay, akala raw nila may nagmimisa sa bahay namin dahil ang naririnig nilang mga awiting Pamasko, latin. Totoo naman mas relaxed kami sa pakikinig ng mga Gregorian Chants. Nakagagaan ng katawan.

About Ed de Leon

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …