MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG-MASAYA si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios, producer ng matagumpay na juan karlos Live concert ni JK Labajo sa SM MOA Arena noong Nobyembre 29 dahil sa dami ng taong nanood na karamihan ay Gen Z.
Kitang-kita namin kung gaano nag-enjoy sa husay mag-perform ni juan karlos at sa napakagaling na pagkakadirehe ni Paolo Valenciano.
Halos lahat nga ng kantang inawit ni JK ay sinasabayan lalo na ang awiting Buwan at Ere.
Bentang-benta rin ang duet nito with Gloc 9 na umani ng malakas na hiyawan, pati rin ang kina Moira Dela Torre, Paolo ng Ben and Ben, Janine Berdin, at Zild Benitez.
At dahil sa success ng juan karlos Live magkakaroon ito ng repeat sa November 2025 sa same venue. Pero uunahin muna ang juan karlos Live World Tour na magsisimula sa Australia, Canada, at Amerika na mangyayari sa May, June, at July. At siyempre ang Nathan Studios pa rin ni Ms Sylvia ang producer.
Tsika nga ni Ms Sylvia, “Sa akin na ipinagkatiwala ng UMG si JK, akin ang rights ng lahat ng ‘jk live concerts’ niya.”
Pagkatapos ng concert ni JK ay di pa rin lubusang makakapag-pahinga si Ms Sylvia dahil ang pelikulang ipinrodyus ng Nathan Studios, ang Topakk ang pagkakaabalahan.
Ang Topakk ay entry ng Nathan Studios sa 2025 Metro Manila Film Festival at pinagbibidahan ng International Award winning actor na si Cong. Arjo Atayde kasama sina Sid Lucero, Julia Montesatbp..
Trailer pa lang ng Topakk ay marami na ang namangha sa ganda nito at nagsasabing malaki ang tsansa nitong masungkit ang Best Actor award for Arjo at Best Picture sa darating na MMFF Gabi ng Parangal sa December 27.