Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
RS Francisco SAM Verzosa SV

Cong. SV matagal nang naghahatid ng tulong sa publiko

MATABIL
ni John Fontanilla

SUPER-SAYA ang Christmas Party na ibinigay ng matagumpay na business partners ng Frontrow at solid na magkaibigan Raymund “RS” Francisco at tumatakbong mayor ng Manila na si Cong. SAM “SV” Verzosa para sa entertainment press, bloggers  at vloggers na ginanap sa Frontrow International Office sa Quezon Avenue, Quezon City noong Dec. 1.

Bukod sa masarap na dinner courtesy ng Albergus, nagkaroon ng masayang games na may cash prizes at labubu dolls.

Instant hit din ang kanilang pa-Ms Gay Lotto na wagi ng cash prize ang inyong lingkod, at happy ang mga nabunot sa raffle draw na dalawa ang masuwerteng  nakapag-uwi grand prize na TV. At wala namang umuwing luhaan at lahat ay happy dahil sa Frontrow products at cash na ibinagay sa mga dumalo at nagsilbing Pamasko na rin nina Cong. SV at RS.

Ibinahagi rin nina SV at RS ang sikreto kung bakit tumagal ang kanilang friendship ng ilang dekada. At habang tumatagal daw ay mas nagiging  solid  ang kanilang friendship at laging nandyan para suportahan ang isa’t isa.

Ikinuwento rin ni Cong. SV ang kanyang mga plano sa mas ikagaganda ng Maynila kapag nanalo siya bilang mayor nito.

Pinabulaanan din ng mabait at napaka-generous na congressman ang ikinakalat na tsismis ng kanyang mga kalaban  na ngayon lang siya tumutulong dahil tatakbo siya. Ang totoo di pa man siya tumatakbo tumulong na siya lalo na noong pandemic kahit pa nalagay sa kapahamakan ang sarili.

Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, nagpapa-abot ng tulong si VS na patunay ang mga video na kuha sa kanyang mga charity events  na naka-upload sa Facebook.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …