Wednesday , January 8 2025
Kathryn Bernardo

TF ni Kathryn itinaas, makatulong kaya sa career?

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG taba ng utak ng nakaisip, si Kathryn Bernardo raw ngayon basta kinuha sa isang commercial endorsement ay P35-M na ang singil, kung serye naman ay P400K per taping day. Iyong P35-M sa commercial endorsements madali iyon eh. Kung sa tingin nila kailangan nila si Kathryn, magbayad sila, pero hindi kami naniniwalang P35-M siya. Kasi kung P35-M ang endorsement niya, kukuha na lang ang advertiser ng isang production team sa USA, hahanap ng isang sikat na international star doon na gagawin ang commercial mas mura pa.

Halimbawa noon bang kunin ng isang local brief manufacturer na endorser si Taylor Lautner na sikat na sikat noon binayaran ba ng ganoon kalaki, samantalang nagamit nila ang kanyang popularidad para makapagbukas pa ng shops at makilala ang brand nila hanggang sa abroad. Ok pakinggan iyan, pero kung tototohanin iyan ni Kathryn, she is pricing herself out of the market. Baka wala nang kumuha sa kanya. 

Kung kami iyan at kukunin siya for P35-M, kukunin na namin si Gal Gadot, international pa ang dating namin. Sikat lang naman siya sa Pilipinas, at napakaliit na market ng Pilipinas, mahirap mong bunuin iyong P35-M sa endorsement lang. Ito namang serye, magkano lang naman ang kinikita ng mga serye? At ilang artista ang kailangan mo para makabuo ng isang serye, kung ang bida mo ay babayaran mo ng P400K per taping day. Papayag kaya ang makakasama niya na bayaran mo na lang ng sampipti? Mahigit na kalahati na iyon ng budget ng isang taping day. Kung ganyan nga bibili na lang ang mga network

ng mas marami pang Korea novela. Mas mura, walang sakit ng ulo, walang kailangang equipment rental tutal ganoon din naman ang commercial load. 

Kung iisipin counter productive iyan para sa industriyang Filipino, kasi lalabas na mas mura iyong imported kaysa gawang Pinoy eh. Iyong bibilhin mong serye mapapanood mo na bago mo bayaran, alam mo kung maganda o hindi. Iyong gagawin mo pa lang, hindi mo alam ang resulta niyan. Ok siguro iyan kung masasabi rin ng sales na,“hoy si Kathryn ang star namin kaya isang milyon ang bawat 30 seconder ninyo.” Na tiyak namang sasabihin ng media buyer na “ano kayo sinusuwerte?” Iyon nga lang rate ng commercial spots ngayon sa tv napakataas na eh, kaya maraming advertiser ang lumipat na sa Facebook at Tiktok. Mura lang at siguradong mapapanood, dahil oras na magbukas ka ng internet kahit na ano pa ang hinahanap mo biglang sisingit ang commercial nila eh. Mayroon naging website na ang laman ay mga panalangin, pagdating mo sa gitna may sisingit na commercial ng gatas na gamot sa diabetes. Bastos pero ano magagawa mo sa kanila ang internet site, at nakikibasa ka lang.

Kaya nga nang marinig namin iyon, ang sabi namin ang taba ng utak ng nakaisip niyon.

Isang magandang example sa naging bikima ng ganyan, si Maricel Soriano,  magaling na artista at malakas ang following, talagang in demand. Ang ginawa ng Star Cinema, pinresyuhan siya ng P5-M bawat isang pelikula. Umatras na ang ibang producers na ang kumukuha na lang sa kanya ay Star Cinema. Noong dumating ang panahon na humina siya hindi naman puwedeng ibaba ng Star Ciunema ang kanyang talent fee. Sila ang nagsimual niyon eh. Ang kinalabasan walang pelikula si Maricel ng ilang taon. Ganyan din si Kathryn napakataas ng talent fee, kung may kukuhang iba, pero sa ABS-CBNmay nauna siyang contract at natural iyong contract price ang masusunod. After all masasabi ng ABS-CBN hindi ka naman sumikat ng ganyan kundi dahil sa amin.

Tingnan din ninyo si Sharon Cuneta, inalok ng TV5 ng P1-B, at five year contract iyon. Pero hindi siya hinabol ng ABS-CBN, at sinabi pa sa kanya na, ‘tanggapin mo, hindi namin kayang ibigay iyon.’ Bakit naman tatanggihan iyon ni Sharon siya na ang highest paid tv star noon, talo pa niya ang nasa Hollywood. Hindi rin naman sila naging number one sa ratings, kaya  bumagal din  ang proyekto sa TV5.

Nang malaunan, nagpa-release rin si Sharon, isinauli pa niya ang naibayad na sa kanya. Nagbalik siya sa ABS-CBN, ginawa na lang siyang jurors sa kung ano-anong talent search nila. Ganoon lang talaga ang buhay, nagkamali siya ng diskarte eh, bumaba ang popularidad niya. Bagsak din ang market value.

Kaya sabi nga namin mukhang minamadali nilang pabagsakin si Kathryn dahil sa mga ganyang diskarte. May mga tao kasing hindi pinag-aaralan ang kamalian ng nakaraan. Nalalasing sa kasalukuyan.

About Ed de Leon

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …