Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Lotlot de Leon Dan Villegas

Lotlot bina-bash kasama muli sa pelikula ni Vilma 

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAYROON daw mga miyembro ng kulto ni Nora Aunor na bina-bash si Lotlot de Leon dahil gumawa ng pelikulang kasama si Vilma Santos. Eh ano naman ang masama roon, artista si Lotlot, inalok siya ng role sa pelikula, kalokohan namang hindi niya tanggapin iyon. Artista siya eh, iyon ang kanyang propesyon, iyon ang kanyang pinagkakakitaan, ano ang gusto ninyo huwag siyang gumawa ng peliklula at  magtinda na lang ng tuyo at tinapa? Hindi naman bago iyan eh, noong nakaraang taon kasama rin naman si Lotlot sa festival movie ni Vilma, iyong When I Met You in Tokyo

Mula ba noong When I Met You in Tokyo hanggang ngayon sa Uninvited, anong pelikula ang nagawa ni Lotlot? May pag-asa ba siyang makasama sa pelikula ni Nora? Eh iyong mga pelikula nga ni Nora hindi maipalabas sa sinehan, ipinilit nga lang nila iyong huli roon sa Cinema 76 para masabi lang na naipalabas kahit na dalawang araw lang at mag-qualify siya sa awards, na hindi naman niya napanalunang lahat. Isinali pa iyon sa festival sa Taipeh na nanalong best actor si Alfred Vargas pero ang nanalong best actress ay si Angeli Khang para roon sa Silip sa Apoy.  

Eh ano ang gusto ninyong mangyari kay Lotlot, mabulok na lang dahil wala siyang pelikula? Isa pa, napakalaking factor ba naman ng participation ni Lotlot sa pelikula ni Vilma? Masasabi bang hindi kikita ang pelikula ni Vilma kung wala si Lotlot? Masasabi bang iyong roles na ginagawa ni Lotlot ay walang makagagawa kundi siya? Kahit na si  Kiray Celis o si Ethel Booba magagawa ang role na iyon eh, dapat  nga magsaya sila dahil ang ampon ni Nora ay may pelikula kahit na siya ay wala. Kung may pelikula si Lotlot at kumikita, hindi ba natutulungan din niya si Nora? Hindi nga ba may panahon na binalikat ni Lotlot pati ang buhay ng iba pang mga ampon ni Nora, noong nabalolang siya sa America matapos na mahuling may dalang shabu. Nag-ampon siya nang nag-ampon hindi naman niya nasuportahang lahat. Kung walang hanapbuhay si Lotlot paano na? Mabuti nga nakukuha siya sa pelikula, matutulungan niya ang mga kapatid niyang hilaw. 

Si Ian, hindi mapababayaan iyan. Tunay na anak ni Boyet de Leon iyan eh, iyong iba, inampon niya nang inampon ng ni hindi alam ni Boyet tapos lahat ginawa niyang de Leon ang apelyido ganoong annulled na ang kasal nila. Kaya nga napakasalan na ni Boyet si Sandy Andolong eh.

Baka akala nila pagdating ng araw kaparte sila sa mga maiiwan ni Boyet? Hindi oy, maliban na lang kung may last will si Boyet na isinama sila, hindi naman nakapirma si Boyet sa adoption nila eh. At saka lahat ba iyon maayos ang adoption papers. Eh kay Nora naman na umampon sa kanila, may makukua pa ba sila? Eh ‘di malamang sa hindi pasanin na naman iyan ni Lotlot, tapos kung may trabaho inaasar pa ng kulto? 

Naku ewan, kung kami iyan sasabuyan namin ng asin o bawang para matigil na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …