Wednesday , January 8 2025
Vilma Santos Liza Araneta Marcos Tirso Cruz III Christopher de Leon

First Lady Liza Araneta Marcos tutulong sa industriya ng pelikulang Pilipino

HATAWAN
ni Ed de Leon

OVER lunch, iyon nga ang pinag-uusapan namin ng ilan pang mga kritikong naroroon, ano-ano ba talagang continents iyon? Mas mahalaga ba iyon kaysa napanalunang best actress ni Jacklyn Jose sa Cannes na siyang pinaka-malaking festival?

Nang matapos ang pelikula, iyon ay sinalubong ng isang malakas na palakpakan ng mga audience, kaya naman tuwang-tuwa si Ate Vi at sinasabing maski siya, habang nanonood ay nakita niyang ang pelikula palang ginawa 22 years ago ay nananatiling relevant hanggang sa kasalukuyang panahon. 

Iyon pa ang lumabas na isang magandang balita, ang naging masigasig kasi sa restoration ng mga klasikong pelikula ay ang ABS-CBN. Kasi matapos ang power grab noon sa EDSA, nawala na ang ECP na siyang unang nag-restore ng mga klasikong pelikula. Ang masakit pa, palibhasa hindi sila ang gumawa at walang muwang sa sining, pinabayaan lang nila ang Manila Film Center na natural nasira, pinasok ng tubig dagat, at nadamay pati na ang mga restored films. Karamihan ng mga restored films ay gawa nila dahil pinakikinabangan naman nila at nailalalas sa kanilang cable channels. Pero natigil ang lahat ng iyon nang mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN bilang isang broadcasting network. Ang broadcasting pa rin kasi ang una nilang pinagkukunan ng pinagkakakitaan na siya namang itinutustos sa mga proyektong hindi masyadong kumikita pero kailangan, gaya nga ng restoration ng pelikula. 

Sa talk back, naibalita ni Ate Vi na kasama ang grupong Aktor Ph. nakipagkita sila kay First Lady Liza Araneta Marcos sa Malacanang at nangako iyong tutulong sa industriya ng pelikulang Pilipino kabilang na ang restoration ng mga klasikong pelikulang Pilipino, na umaabot sa hanggang P6-M ang gastos ngayon bawat pelikula na hindi naman pagkakakitaan at hindi na mababawi. Pero kailangang gawin bilang bahagi ng preservation ng sining at kultura ng bansa. Natutuwa naman sila na si First Lady ay kinikilala ang pelikula bilang isang sangay ng sining na kailangang tulungan. Kaysa nga naman ang pera ng gobyerno ay napupunta lang sa “piatos”, “oishi” at kung ano-ano pa.

About Ed de Leon

Check Also

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia ibinuking Arjo elementary pa lang nangungulit na para mag-artista

RATED Rni Rommel Gonzales SEPTEMBER 5, 2024 nang manalo si Arjo Atayde bilang Best Lead Actor in …

Sugar Mercado Salome Salvi Intele Builders Development Corporation Cecille Bravo Pedro Pete Bravo

Sugar at Salome pinasaya thanksgiving party ng Intele

MATABILni John Fontanilla PINASAYA ni Sugar Mercado at VMX star Salome Salvi ang two-part Christmas …

Anjo Pertierra Mang Tani

Anjo idol si Mang Tani, minsang nagka-trauma sa bagyo

RATED Rni Rommel Gonzales MAHIRAP ang obligasyon ni Anjo Pertierra na weather reporter ng Unang …

Sylvia Sanchez Arjo Atayde Richard Somes Topakk

Sylvia espesyal FPJ Memorial Award sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez bisperas …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB, nakapagtala ng panibagong record  
HIGIT 267,000 MATERYALES NIREBYU SA LOOB NG 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SA LAYUNING mabigyan ng angkop na klasipikasyon ang lahat ng …