Sunday , January 5 2025
InnerVoices

Bandang InnerVoices tuloy-tuloy sa paghataw, maraming aabangang pasabog

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Ang year 2024 ay masasabing banner year para sa bandang InnerVoices.

Ang InnerVoices ay may three original songs na-na-release na so far, ito ang Isasayaw Kita, Anghel, and Hari. Ito ay available for download sa Spotify, Apple Music, Youtube Music, Deezer at iba pang digital platforms via Vehnee Saturno Music Corporation.

Binubuo ang grupo nina nina Atty. Rey Bergado, Angelo Miguel, Rene Tecson, Alvin Herbon, Joseph Cruz, Joseph Esparrago, at Ruben Tecson.

Bukod sa patuloy na humahataw ang grupong ito at sinusundan ng maraming fans sa bawat full-packed gigs na ginagawa nila, sa nagdaang 16th Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ay muling kinilala ang grupo.

Sinungkit nila rito ang Inspirational Song of the Year award para sa kantang Isasayaw Kita. Nang tanggapin nila ang tropeo sa stage, isa ito sa masasabing punong-puno nang emosyon na tagpo sa naturang event.

Malalim kasi ang background ng kanta na sinulat ng vocalist nilang si Angelo. Nang nagsalita si Angelo nang matanggap ang tropeo, ito ang kanyang sinabi, “God I’m shaking… This one is very-very special to me, because I wrote this song for my daughter and she passed away back in 2020. Yeah, four years I’ve fought for this, I’ve pitched my song to every recording label… Four years I’ve been fighting to bring her in this place and eto na, nandito na.

“The goal of this song is to preserve her memory on this world, she’s an unborn baby, eight months. I Like this song Isasayaw Kita to be a beacon of hope to all those na nagkaroon din ng ganitong klaseng lost. So Hope, this ones for you, Daddy loves you.”

Pinasalamatan din ni Angelo ang kanyang grupo, “Thank you sa aking bandmates, specially kay Atty. Rey Bergado for making this possible. Na-achieve natin ito, narating natin ito at nailagay nyo si Hope roon. So, the job is done, thank you very much.”

Sa panayam namin sa kanya, aminado si Angelo na naging emosyonal siya pag-akyat sa stage.  

“Hindi ko maituloy-tuloy ang sinasabi ko, kasi nga nagse-shake na ang boses ko at ayaw ko namang humagulgol. Kasi siyempre kahit four years ago nang nagyari, pero siyempre lifetime iyon at bilang isang magulang, mararamdaman mo iyon.”

May speech na raw siya gabi pa lang ng Star Awards, pero hindi siya na-mental block, kundi naging emosyonal at pinipigilan talaga niya ang mapa-iyak.

“Marami akong nilapitan. Para sa akin, buong puso at emosyon ko nandoon sa song. Pero marami rin ang pinaasa lang ako,” pagbabalik-tanaw pa ni Angelo.

Sa pagpasok ni Angelo sa InnerVouces noong 2016, ang founding member nitong si Atty. Rey ay narinig ang Isasayaw Kita at siya’y nagpasya na i-produce ito, with Vehnee Saturno.

Ipinahayag ni Atty. Rey ang kagalakan sa pagkapanalo ng kanilang song. “Well, ako’y tuwang-tuwa lalo na para sa kanya. Kasi, ako in this stage, ang makatulong sa musicians iyon ang mas importante sa akin.

“Nang ipina-check sa akin ni Angelo iyong kanta, hindi pa siya kumakanta sa amin at nagandahan kami. It was just a demo and parang sinabi niya na walang nangyayari sa kanta niya, na parang desperado siya that time at sobrang lungkot.

“So, nakipag-meet siya sa amin ng wife ko, ipinarinig niya sa akin, sabi ko, ‘Sige walang commitment, hayaan lang natin diyan.’ So, fast forward, naging regular frontman namin siya and after a few months, in-offer ko sa kanya, ‘Gusto mo ba i-record ng banda ang kanta?’

“Wala naman akong expectations, I just want the song to be heard. Kaya ako’y natutuwa na nabigyan ng pansin ng PMPC itong song,” sambit pa ni Atty. Rey.

Dagdag pa niya,”I’m happy for him, bago pa kami umakyat sabi ko sa kanya, ‘Pare, I’m not gonna speak for the song, kasi you know better.’ I’m the producer of the song… Pero yung moment kasi, ayaw kong kunin, gusto ko solo ni Angelo iyon. So, hindi na ako sumali, iyon  namang victory niya ay victory din namin.”

Third major award na nila ito, 2014 ay nanalo sila sa Awit Awards at last year ay nanalo rin sila sa Star Awards for Music.

Mas special daw kay Atty. Rey ang tropeong ito. “Because I did it not for myself. Kasi dati of course, gusto ko iyon, pangarap ko iyon, e, hindi ba? Pangarap ko for the band, iyong mga award. But this time is very special, because I did it for him (Angelo), I did it for the boys and for the people na nakaka-relate. Kaya special sa amin ang award na ito,” sambit pa niya.

Ang aabangan sa kanilang pasabog ay isang malaking concert, new songs na ire-release nila, na posibleng maging EP (Extended Play).

About Nonie Nicasio

Check Also

TVJ Tito Vic Joey Eat Bualaga

 TVJ wagi na naman, muling kinatigan sa paggamit ng Eat Bulaga!

I-FLEXni Jun Nardo MALAKING selebrasyon ang naganap sa Eat Bulaga noong January 1, 2025. Ipinagpatuloy …

Uninvited mapapanood na international

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HINDI pa man tapos ang showing ng pelikulang Uninvited nina …

Judy Ann Santos Juday

Judy Ann excited sa 2025, 2024 makulay maraming learnings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ITO ang exclamation point ng 2024 ko!” Ito ang caption …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …

Rozz Daniels

Rozz Daniels,  ire-revive kantang “Ibang-Iba Ka Na” ni Renz Verano

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PATULOY ang paghataw ng singing career ng US-based Pinay singer …