Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Robbie Jaworski Kathryn Bernardo

Robbie-Kathryn tandem maging hit kaya?

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAAWA kami sa mga baguhang matinee idols ng ABS-CBN ngayon. Ano na ang mangyayari kina Donny Pangilinan, Kyle Echarii at iba pa roon eh nandiyan na si Robbie Jaworski na mukhang napakalakas ng dating sa tao. 

Bakit nga ba hindi lalakas iyan eh marami rin namang fans ang nanay at tatay niyan na sina Mikee Cojuangco at Dodot Jaworski at lalo na ang lolo niyang basketball icon na si Sonny Robert Jaworski. Legend iyan ng hardcourt at apo niya ang babanggain ninyo.

Marami na ang nakakapansin kay Robbie noon pa man. At matagal na naming nabalitaan na interesado sa kanya ang ABS-CBN.

Actually may katuwiran naman ang ABS-CBN, ang mga matinee idol nila ay medyo matured na. Wala na silang teenager eh, tumanda na si Daniel Padilla, si Gerald Anderson, at sino pa nga ba ang natira, nawalan na ng following si Enrique Gil nang mawala si Liza Soberano. At may ibubuga pa ba si James Reid?

Eh itong si Robbie, ang lumalabas pa lang ay pictures nagkakagulo na ang fans. Kaya maliwanag na iyan ang susunod na matinee idol. Siyempre ang makakatapat niyan si Andres Muhlach na nasa TV5 naman. Baka nga sila ang maging magkaagaw sa popularidad, pero magkaiba naman sila ng network. Ang kawawa ay iyong masasagasaan ni Robbie sa mismong network nila. Mukhang magiging hit din kung itatambal siya kay Kathryn Bernardo, at kung mangyayari iyon hindi na nila kailangang hiramin si Alden Richards sa GMA.

Sa tingin namin iyang pagpasok ni Robbie  tiyak namang ipu-push nila dahil malakas nga ang dating niya sa publiko. Palagay namin mas masasabing maganda ang magiging labanan sa 2025.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Shake Rattle and Roll SSR Evil Origins

SRR: Evil Origins patuloy na pinipilahan

NASA ikalawang linggo na sa mga sinehan ang Shake, Rattle, and Roll: Evil Origins at patuloy itong …

GMA Pictures

GMA Pictures ratsada ngayong 2026

I-FLEXni Jun Nardo RATSADA this year ang GMA Pictures at hindi lang ang GMA Network, huh. Una sa …

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …