Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Barretto Vilma Santos Judy Ann Santos

Julia ‘di tamang ikompara kina Vilma at Juday

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY mga pra lala na nagsasabing si Julia Barretto raw ang makakalaban nina Vilma Santos at Judy Ann Santos sa Metro Manila Film Festival (MMFF). 

Huwag namang ganoon, kawawa si Julia. Hindi dapat isabak sa ganoong laban ang isang artista kung hindi naman niya kaya. Kay Juday na lang iiwanan siya ng milya- milya kay ate Vi pa?

Alam ba ninyong maski nga sa karera ng kabayo may kanya-kanyang grupo sila. Iyong nasa grupo uno ay hindi kailanman ilalaban sa nasa grupo bente quatro. Lalo na hindi ilalaban sa mga kabayong pangarera ang isang sanay lamang sa karetela, dahil ano ang laban niyon?

Maski na sa sabong, hindi mo ilalaban sa manok na Texas ang isang manok na inahen. Bayaan mo na lang iyong mangitlog mas may pakinabang ka pa.

Ang ibig naming sabihin, huwag masyadong mag-ambisyon Hindi puwede iyong basta  may masabi lang. Isipin ninyo, kawawa ang artista ninyo. Ano na ba ang napatunayan ni Julia? Natangay lang naman iyan ni Joshua Garcia hindi ba? Kung hindi naman ay ano pa nga ba? Sinubukan na nila iyang magpa-sexy hindi rin kinagat ng masa iyan pang ilalaban mo sa mga beterano. Parang isang sundalo na dadalhin mo sa isang giyera na ang dala lamang ay sumpit at tirador.

Huwag ganoon, kawawa si Julia, lalabas na ilalampaso lang siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF 2025 Movies

MMFF hindi contest para magpaligsahan, presyo ng tiket ‘wag sisihin 

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG problemahin kung hindi nahigitan ng 51st Metro Manila Film Festival movies ang nakaraang …

Andrew Gan

Andrew Gan, patuloy sa pagratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISA si Andrew Gan sa mga aktor na hindi nawawalan …

Barbie Forteza P77

P77 mapapanood na sa Prime Video

RATED Rni Rommel Gonzales SIMULA January 8 ay mapapanood na sa Prime Video ang psychological horror film …

Wish Upon a NUSTAR

NUSTAR Online inilunsad ang Wish Upon a NUSTAR

SA buong taong 2025, itinaguyod ng NUSTAR Online ang kahusayan ng mga Filipino sa pamamagitan ng maayos …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …