Friday , November 22 2024
Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio, ang tatlong araw na “Responsableng Panonood” (RP) seminar sa Negros Occidental.

Ginanap ang makasaysayang okasyon sa mga lungsod ng Bacolod, Cadiz, at Victorias noong 15-17 Nobyembre 2024, na sumentro sa Responsableng Panonood ng MTRCB.

Ito’y hakbang para mahikayat ang mga magulang na maging aktibo sa paggabay sa mga gawain ng bata, partikular ang paggamit ng media.

Umabot sa 587 ang lumahok sa seminar.

Kasama ni Sotto-Antonio sina MTRCB Board Members (BMs) Maria Carmen Musngi (retiradong guro sa Ateneo de Manila University), Katrina Angela Ebarle (kilalang video editor), Lillian Ng Gui (eksperto sa sikolohiya), Eloisa Matias (respetadong Event producer), Atty. Frances Hellene Abella, at Neal Del Rosario (mga sikat na director sa pelikula at telebisyon). Kasamang sumuporta sina BMs Glenn Patricio at Joey Alberto.

Unang nagtungo ang MTRCB sa Negros Occidental High School sa Bacolod. Nasa 138 guro at mga estudyante ang lumahok para lasapin ang benepisyo ng tamang gabay ng panonood ng bata sa mga palabas sa telebisyon at sinehan. Mula Bacolod, tumuloy ang MTRCB sa Cadiz para sa kahalintulad na seminar sa harap ng 250 guro, estudyante, at kawani ng LGU.

“Sobrang napapanahon ang pagpunta ng MTRCB sa aming lugar para maturuan kami sa tamang paggamit ng media at angkop na paggabay sa ating mga anak at kabataan,” sabi ni Councilor Kathrina Kaye Gustilo ng Cadiz.

Pinangunahan ni Mayor Javier Miguel Benitez ang seminar sa Victorias na nagpokus sa mga karanasan ng bata sa paggamit ng digital platforms. Ipinaliwanag din ang MTRCB descriptors at hakbang sa digital parenting.

“Ating hikayatin ang bawat isa na maging aktibo sa responsableng paggamit ng media para sa kapakanan ng ating mga kabataan,” wika ni Benitez.

Lumagda ng Memorandum of Understanding (MOU) sina Benitez at Sotto-Antonio para sa tuluyang pagsulong ng Responsableng Panonood sa Cadiz.

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio ang papel ng bawat magulang at nakatatanda pagdating sa responsableng paggabay sa mga bata sa pagpili ng palabas na angkop sa kanilang edad. “Napakahalaga po ng partisipasyon ng mga magulang sa paghubog sa tamang kaisipan ng ating mga anak,” sabi ni Sotto-Antonio.

“Tayo, bilang mga magulang at guardian, ang magsisilbing unang proteksiyon ng mga bata laban sa mga mapanganib na content sa pelikula, telebisyon o social media na posibleng makaapekto sa musmos nilang kaisipan,” aniya pa.

About Nonie Nicasio

Check Also

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …