Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon

UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa lang, mga bata pa sila ay nakaranas din ng sexual harassment. Ikinuwento niya na niyakap daw siya ng diretor tapos ay hinalikan siya sa leeg.  

Natandaan namin ang kuwentong iyon at nakita namin  iyon.

Nagbigay kasi ng blow out noon  ang leading aktres dahil kumita ang kanilang pelikula. Noong panahong iyon ay papalubog na rin  ang leading lady, ilang pelikula na niya ang hindi kumita. Kaya nang biglang kumita ang pelikula, ang-blow out siya sa isang disco sa isang hotel sa Maynila. Pero hindi pa kompleto ang kuwento niya. 

Natatandaan namin iyon dahil naroroon kami nang mangyari iyon. Pogi naman talaga si matinee idol noong kanyang panahon, parang Gabby ConcepcionAga Muhlach din. 

Magkakasama kami sa mesa noon nang biglang dumating si direk na nakikipag-inumnan sa ibang table. Paglapit sa mesa namin ay niyakap niya mula sa likod ang poging matinee idol at pinaghahalikan sa batok. Pumiglas si matinee idol, tapos ay tumayo at lumayo na sa mesa namin. Naiwan naman si direk na walang kibo, narealize rin  siguro niya kung sino ang mga kaharap niya at maaaring matsismis siya. Sadly patay na ngayon si direk. Hindi siya nagtagumpay sa matinee idol na balak din palang i-take home ng leading lady, pero maging ito ay iniwasan niya. 

Para makatakas, nang umuwi ang choreographer na babae ng pelikula ay nakisakay siya sa kotse niyon. Inis na inis din si leading lady dahil nakatakas sa kanya si pogi. Ang hindi alam ni pogi, may intensiyon din pala sa kanya ang babaeng choreographer. Ang choreographer ang nagwagi at na-take home din siya. Kinabukasan ang tsismis ng choreographer ay hindi naman daw siya magaling at ang babae pa ang nagturo sa kanya kung ano ang dapat gawin.

Pero masarap siya,” sabi pa ng malandi ring choreographer na puwede ng maging nanay ni pogi.

Si leading lady naman nawalan na ng gana dahil isipin mo nga naman naunahan na siya ng matandang choreographer nila at ng baklang direktor. Pero ewan lang kung noong mga sumunod pang araw ay nagwagi rin ang leading lady kay pogi.   

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …