KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso mula Indonesia.
Sa isang pahayag, sinabi ni Marcos, nagkasundo ang mga pamahalaan ng Filipinas at Indonesia na ibalik na si Veloso sa Maynila pagkatapos ng 10 taon ng diplomasya at konsultasyon kaugnay ng kanyang kaso.
“We managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines,” ani Marcos.
“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty who made one desperate choice that altered the course of her life. While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” dagdag ng Pangulo.
Ipinaabot ng Pangulo ang kanyang pasasalamat kay Indonesian President Prabowo Subianto at sa kabutihang loob ng kanilang pamahalaan na sinabi niyang repleksiyon ng paninindigan ng dalawang bansa sa katarungan at pagkamahabagin.
Noong 2010,si Veloso ay naaresto sa Adisucipto International Airport sa Yogyakarta matapos malantad na siya ay may dalang 2.6 kilogram ng heroin.
Sinabi ni Veloso, hindi niya alam kung ano ang laman ng luggage dahil bigay lang ito ng kanyang recruiters na kinilalang sina Julius Lacanilao at Maria Cristina Sergio.