HATAWAN
ni Ed de Leon
MAY mahaba at mainit na halikan sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kanilang pelikula at iyon ang sinasabi nilang hindi nagawa ng aktres kahit sa alinmang pelikula nilang dalawa ni Daniel Padilla.
Kahit na 11 taon silang magsyota. Kasi siguro noong panahon nila, hindi naman kailangang gawin ang mga bagay na iyon dahil sigurado namang kikita ang kanilang pelikula. At saka noong panahong iyon talaga namang protective si Daniel Kay Kathryn at hindi niya gusto ang mga ganoong bagay kahit na siya pa ang kahalikan. Halimbawa nito ay noong minsang presscon nila, medyo maikli ang damit ni Kathryn kaya pag-upo nila sa harapan mag-aabot na si Daniel ng pantakip sa hita ng dalaga. Eh iyon pa bang laplapan sa pelikula ang gagawin niya?
Siguro in private magagawa niya iyon pero in puiblic hindi at saka bakit pa ba eh alam naman ng mga tao na syota niya si Kathryn.
Ngayon kailangang gawin iyon nina Alden at Kathryn dahil kailangan nila ng pangiliti sa imahinasyon ng audience para kumita ang kanilang pelikula at maabot nila ang target na malampasan ang kita ng una nilang ginawang pelikula. Pero kung si Daniel iyon, wala siyang pakialam sa kikitain ng pelikula pero tiyak may objections siya sa pakikipaghalikan ng ganoon ni Kathryn. Ngayon dahil kailangan nga nilang masira ang record ng una nilang pelikula, at mabawi ang record ng highest grossing film na hawak ngayon ni Marian Rivera, talagang matitindi ang mga lambuchingan scenes nina Kathryn at Alden.
Alam din nilang kung hindi ganoon, sasabihin ng mga tao na, “ganyan din naman kay Daniel eh.” At ang kalaban mo ay kailangang makumbinsing manood ang KathNiel na 11 taon na rin bilang grupo kung ikukompara roon sa KathDen na kasusulpot pa lang. Marami pang kailangang patunayan ang KathDen bago nila masabing kaya nilang tapatan ang KathNiel. Iyang KathDen, iyan iyong mga dating solid na Kathryn fans na ngayon ay ina-identify ang sarili nila na KathDen bilang suporta lamang sa idolo nila. Ngayon sinasabi nila na malapit na nilang lampasan ang box office record ng Rewind. Kung malalampasan nga nila iyon, makababawi na si Kathryn kay Marian gayundin si direk Cathy Molina-Sampana kay direk Mae Alviar.
Halata naman eh, ang daming eksenang lambuchingan nina Kathryn at Alden.
Hindi rin namin maintindihan kung bakit sinasabi nilang mas mayaman si Alden kaysa kay Daniel. Kesyo ang networth daw ni Alden ay P750-M samantalang si Daniel ay P650-M lamang. Bakit masama pa ba ang katayuan sa buhay niyong taong may networth na P650-M at legal? Hindi galing sa POGO, sa jueteng, sa droga, at sa confidential funds. Sinasabi pa ang dami raw projects ngayon ni Alden samantalang si Daniel mukhang concentrated sa mga provincial shows lamang. Mayroon daw anim na endorsement na umalis kay Daniel noong mag-split sila ni Kathryn, samantalang si Alden tambak ang endorsement. Lahat naman kasi ay pinatulan na ni Alden, hindi nga kami magtataka kung maging endorser din siya ng pakong bakya at siyoktong. Ano nga ba ang dahilan at iginigiit nilang nakalalamang si Alden kay Daniel dahil lang sa pelikula nila?
Kapag ba bumalik na si Alden sa GMA 7 ano ang sasabihin nila? Hindi ba sa telebisyon naman ang sinasabi nila ay inilalampaso ni Tanggol ang Pulang Araw? Hindi ba si Alden ang bida roon.? Kaya ang lumalabas, hindi rin sikat si Alden at nakalalamang lamang iyon kung kasama si Kathryn at kung sa Star Cinema o ABS-CBN. Sige pag-aralan ninyo ang slant kung hindi ganoon nga.