I-FLEX
ni Jun Nardo
BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon ng dalawang anak. Soon, magiging tatlo na ang anak nila ng asawang non-showbiz na kung babae ito eh magkakaroon sila ng Tres Marias!
Nakausap ng Marites University si JC at dama ang kaligayahan niya sa pagkakaroon ng pamilya.
“Masarap ang feeling. Tapos na ‘yung days na puyatan sa trabaho, gimik, na parang wala nang bukas. Mahalaga lang sa akin ang ngayon noon. Pero ngayon, kasama na sa ginagawa ko ang future ng pamilya ko,” pahayag ni JC.
Sa tototo lang, maaga nang natutulog si JC dahil katabi niya ang mga anak.
“Wala na akong time para manood ng Netflix! Hahaha! Kasi nga, baka magising ang mga bata. I see to it din na may nap ako kahit ilang minutes. Noon, balewala ang mahabang tulog sa akin. Now importante na at ‘yung balanced food,” saad pa ng aktor.
At nasusubaybayan niya ang mga anak kung tulog na dahil sa suot na espesyal na relo na connected sa room nila, huh.
Kaya naman sa bago niyang movie na Huwag Mo ‘Kong Iwan ng Bentria Productions opposite Rhian Ramos na naging special sa kanya noon, sa asawa pinatutungkol ni JC ang title ng movie na idinirehe ni Joel Lamangan at showing sa November 27.