ni Ed de Leon
GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa.
Una, lumalabas na fake naman pala ang kanilang kasal dahil noong pakasal sila, ang asawa pala niya ay may pinakasalang iba na nauna sa kanya. Ngayon sinasabi niyang parang ang turing sa kanya ng asawa niya ay isang boy toy lamang. Inaabuso na raw siya ng kanyang asawa pagdating sa kama, at ang mga ipinagagawa sa kanya ay ikinukuwento pa niyon sa ibang kakilala nila.
Nahihiya na rin daw siya sa ginagawa ng kanyang asawa kaya gusto na niyang hiwalayan iyon. Hindi lang niya malaman kung paano dahil ang kanyang kabuhayan ay nakasalalay na rin sa misis niya. Hindi nga kasi siya binigyan ng pagkakataon niyon na makapag-hanapbuhay. Kawawa rin ang mag lalaking ganyan.