MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI nagdalawang isip si Rufa Mae Quinto na tanggapin ang isang produktong makatutulong para mapanatili ang good hygiene, ang Deoflex.
Kuwento ni Rufa Mae na swak na swak sa kanya ang mga produkto dahil sobrang pawisin ang kanyang underarm kaya naman daw malaking tulong sa kanya ito na may 72 hours sweat protection.
Ayon naman kay Ms Shea Tan, CEO ay presidente ng Mixtrue company, si Rufa Mae ang napili niyang maging kauna-unahang ambassador dahil alam nitong malaki ang maitutulong ng aktres para mas makilala pa ang kanyang mga produkto.
Balak ngang bigyan ni Rufa Mae ang kanyang mga co-hurads sa It’s Showtime na sina Gladys Reyes, Teddy and Jugs atbp. ng ineendoso niyang produkto.