Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Xian Gaza Ai Ai delas Alas

Payo ni Xian kay Ai Ai may halong panunudyo

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY halong panunudyo pa rin ang payo ng blogger na si Xian Gaza kay Ai Ai delas Alas. Kasabay ng pagsasabi niyon na ang paniwala niya ay may nabuntis nang iba ang asawang si Gerald Sibayan. Kaya sinabi pa niyang hintayin na lang ang balita ng pagsilang ng anak ng kanyang asawa sa susunod na  taon.

Pinayuhan din niya si Ai Ai na huwag nang ma-in love sa isang mas batang lalaki, dahil tiyak na peperahan lang siya niyon at iiwan din pagdating ng araw. 

Ang payo pa ng blogger, “tikim-tikim ka na lang, huwag nang makipag-relasyon lalo na sa mga bata pa dahil ang gusto lang ng mga iyon  ay pera, sayang ang panahon mo at ang pagmamahal na ibibigay mo sa kanila.” 

Para bang sinabing, “kung may pangangailangan ka, pumick up ka na lang at magbayad, tapos wala ka pang sakit ng ulo. Huwag nang ma-in love ulit.”

Kung sa bagay may punto siya, ganyan din naman ang nangyari sa unang naging dalawang asawa ni Ai Ai, binugbog pa siya. Mabuti nga si Gerald at hindi naman siya sinaktan physically.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …

Mentorque GMA Pictures 58th Huwag Kang Titingin Ella Arcangel

Mentorque at GMA movie star studded

RATED Rni Rommel Gonzales MARAMI na namang kaabang-abang na pelikula mula sa GMA Pictures para sa taong …