Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Karla Estrada Kathniel Daniel Padilla Kathryn Bernardo

Karla Estrada may ibubunyag ukol sa KathNiel

HATAWAN
ni Ed de Leon

WALA namang sinabi si  kung ano ang ilalabas niyang revelations tungkol sa KathNiel na sinabi niyang ilalahad pagkatapos ng pelikula ni Kathryn Bernardo

Maaaring kontrobersiyal iyon kaya ayaw muna niyang sabihin dahil kahit na anong controversy, basta pinag-usapan ng masa ay makatutulong pa sa pelikula ni Kathryn. Maaari rin namang sabihin na gusto niyang siraan si Kathryn at hindi iyon maganda para sa sitwasyon niya. Si Daniel Padilla ay nananatiling may kontrata sa ABS-CBN at dahil sila ang main producer ng pelikula ni Kathryn, basta naapektuihan iyon ng kung ano mang sasabihin niya ay makapaglalagay sa kanila sa masamang sitwasyon.

Hindi naman maikakailang ang participation ng GMA sa pelikulang iyon ay minimal lamang, siguro iyon lang pagpayag nilang maging leading man si Alden at siguro nga ay sumosyo kahit na paano sa puhunan ng pelikula. Pero ang rersponsibilidad sa produksiyon, ang mga taong gumawa ng pelikula at lahat ng mga bagay na may kinalaman doon pati ang kanilang promo ay hawak ng ABS-CBN. Kaya basta may kung anumang laban doon tiyak na ang ABS-CBN ang mas masasaktan.

Pero kung may masabi man si Karla at kung totoong may masasabi nga siya, hindi kami magtataka kung ilabas niya iyon ngayon. Hindi naman maikakaila na ang tagumpay ng pelikula ni Kathryn na kasama si Alden ay iniisip nilang si Daniel sana kung hindi nagkaroon ng problema. Hindi nga ba’t sinasabi ni Daniel na iyong Hello Love Goodbye ay una namang inialok sa kanya, dangan nga lamang at nagkasundo sila ni Kathryn pagkatapos ng The Hows of US na hindi muna sila magsasama bilang love team para masubukan naman nila ang iba. Maling diskarte iyon para kay Daniel, kasi nga kumita ang pelikulang iyon nang mas higit kaysa alinmang pelikula nila ni Kathryn, kaya may naniwala na mas malakas ang tambalan nina Kathryn at Alden.

Ito namang  bagong pelikula, talagang hindi na sa kanya iyan, dahil ginawa iyan noong split na sila ni Kathryn. Bukod doon, talagang ipinorma na nila si Alden at pinalabas ngang nanliligaw kay Kathryn bilang paghahanda sa pelikula. Pero iyon man ay maling diskarte. Dahil sa aminin man nila o hindi, ang karamihan pa rin ng fans ni Alden ay kasama sa AlDub. Kaya ngayon ok lang iyan pero saan ninyo pupulutin si Alden pagkatapos ng pelikula at ng promo nila? Magpapatuloy ba ng panliligaw si Alden kay Kathryn pagkatapos ng pelikula nila? At paano sa oras na magsimula naman siya ng isang seryeng katambal si Sanya Lopez?  

Sa totoo lang,  interesado rin kaming malaman kung ano ang sasabihin ni Karla.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …