ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
KAHIT busy sa kanyang studies si Angelika Santiago ay naisingit pa rin niyang makagawa ng bagong pelikula.
Ang pelikula ay pinamagatang Ako Si Juan na hango kay St. John of the Cross OCD. Ito ay hatid ng SJDC Parish Film Production of San Juan Dela Cruz Parish na pinamumunuan ni Father Dennis Espejo.
Mula sa pamamahala ni Direk Paul Singh Cudail, co-stars dito ni Angelika sina Domnic Pangilinan, Enrico Cruz, Timothy Chan, Nathaniel Enaje, Hannah Nixon, at iba pa.
Nagkuwento ang dalaga sa kanilang pelikula.
Pahayag ni Angelika, “It’s a life story of po ni St. Juan, and I like how direk wrote it po, na it’s a mixed of present and the past para po mas maramdaman ng audience.
“Marami pong mapupulot na lessons ang movie tungkol sa mga nagawa at sakripisyo ni St. Juan para sa reformation na gusto nilang mangyari ni St. Teresa.”
Aniya pa, “Ang character ko po rito ay si St. Teresa de Avila, siya po ang kasama ni St. Juan or St. John of the Cross po.
“I love St. Teresa de Avila po. What I love about her po kasi is mahilig siyang gumawa ng poems, about how devoted she is to God po. And nalaman ko rin po na kapag nagdadasal po siya, dinadamdam niya po bawat salita niya, na parang kinakausap niya po ang Diyos nang harap- harapan.
“Yung knowing about her and siyempre si St. Juan because of the movie po, changed how I pray po. So I think, na dapat po mapanood din po ng mga kabataan ang movie na ito.”
Bukod sa kanyang career sa showbiz, si Angelika ay nag-aaral sa CIIT, ng kursong BSIS, at maituturing siyang isa sa youngest CEO ng bansa. CEO siya ng GHPC Cosmetics, na mainly tungkol sa mga beauty and skin care products ito.
“Bale ang course ko po, tech po siya na parang related po sa business po,” sambit ng dalaga.
Paano siya nag-prepare sa role, specially since busy siya sa kanyang studies?
“Noong time po na nagsu-shooting po kami, wala pa po akong school noon, parang enrollment pa lang po.
“Medyo nahirapan po ako nang kaunti,” nakangiting wika ni Angelika. Pagpapatuloy pa niya, “Siyempre kasi ang dami pong emosyon na nararamdaman, kasi sabay- sabay po silang nangyari sa akin.”
Sambit pa ng aktres, “I was excited po to go back to school, kinaya naman po Tito. Sabi nga po nila, ‘Kapag gusto may paraan’.”
Kaya ba niyang pagsabayin ang showbiz at studies and ano ang mas priority niya?
“So far kinakaya naman po. Very cooperative po sa akin yung school and especially mga professor ko po. They support my work po and lagi po nilang naiintindihan if may work po ako na nasasakto sa lecture namin. As long as nakaka-catch up naman po ako sa class, ‘di naman po sila masyadong nagwo-worry.”
Nabanggit din ng magandang aktres na thankful siya sa kanilang direktor at co-stars dito.
“Sa mga co-stars ko po like si Dom Pangilinan and Timothy Chan po, they were so nice po to me. Nagsama na po kasi kami before, especially po si Timothy na lagi kong kalaro and siyempre may circle of friends na rin po kami. I felt comfortable po sa set because of them, hehehe. Very thankful po ako na magkasama po kami sa iisang project.
“Kay Direk Paul naman po, super proud po ako sa kanya and sa work niya, like yung script po in the movie. Maganda po ang vision ni Direk and super-talented po. Very approachable din po si Direk, especially kapag nag-a-ask po ako ng mga questions regarding po sa character sa movie. I love Direk Paul po,” masayang pahayag pa ni Angelika.