HATAWAN
ni Ed de Leon
INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat na buwang gulang na. si Korben. Pero teka bago kayo magtatalak diyan, tatlong taong mahigit na silang hiwalay ni Carla Abellana. Divorced na rin sila, kaya walang kaso kung magkaroon man ng anak si Tom na apat na buwan na.
Hindi ninyo masasabing kinaliwa ni Tom si Carla. Pitong taon silang magsyota, dalawang buwan pa lang silang nagsama. Nagpunta lang si Tom sa Cebu, na-delay ng uwi dahil inabot ng bagyo, pagbalik niya hiwalay na sila. Nagsikap siyang magkasundo pa sila, pero ayaw na eh ano ang magagawa niya. Lumayo muna si Tom, umuwi sa US sa pamilya niya. Eh sa tagal siguro may nakita na siyang iba roon at tutal divorced na sila ni Carla, wala nang impediment kung mag-asawa siyang muli. Wala pa rin namang sinasabing nag-asawa siyang muli, basta ang inamin lang ni Mang Tomas, mayroon na siyang anak na lalaki na apat na buwang gulang na.
Para sa amin, walang issue iyan.