MATABIL
ni John Fontanilla
PURING-PURI ng beteranang aktres na si Rita Avila ang kabaitan at pagiging marespeto ng Kapuso Star na si Rhian Ramos.
Kuwento ni Rita, one time sa shooting ng kanilang pelikula ay nagkasama sila sa isang room, pagpasok nito ay nakita niya na naka-ayos na ang gamit ni Rhian at kaunti na lang ‘yung space na available at okey lang naman sa kanya ‘yun. Pero laking gulat ni Rita nang tumayo si Rhian at inayos ang mga gamit para magkaroon ng mas malaking lugar ang veteran actress.
Nagulat si Rita sa ginawa ni Rhian dahil may mga nakatrabaho na itong mga young stars na deadma lang at walang pakialam at walang respeto kaya naman saludo ito sa kabaitan at marespeto ni Rhian.
Dagdag pa ni Rita, napakahusay pa nitong artista.