Sunday , December 22 2024
Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin ay i-withdraw ang petition for green card ng asawa niyang si Gerald Sibayan. Sabihin niyang iniwan siya niyon at tiyak mapauuwi iyon sa Pilipinas. Lalo na nga sa policy ngayon ni Trump laban sa mga alien workers sa US, tiyak mapapasibat iyon at kung mag-TNT at mahuli siya, idedeport siya sa Pilipinas at hindi na siya kailanman makatutuntong sa US. 

Pero sabi nga ni Ai Ai hindi naman niya gagawin iyon dahil sa loob naman ng sampung taon nilang pagsasama bilang mag-asawa, mabait si Gerald. Pinaligaya naman siya niyon.

In fact, si Gerald ang pinakamabait niyang naging asawa. Hindi nga ba noong una niyang maging asawa si Miguel Vera may umbagan sila hanggang sa umabot pa sa halos maghulugan sa terrace ng bahay nila? Iyong ikalawa naman niyang pinakasalang si Jed Galang, ikinasal sila ng umaga noong gabi mismo binimbang na siya. Hindi man lang niya naranasan ang isang honeymoon.  At saka iyan, inaasahan na rin amman niya iyan, isipin mo si Gerald kasing tanda lang ng anak niyang panganay, 30-anyos ang agwat ng edad nila. Magiging maayos nga ba iyon?

Noon ngang una naming narinig ang relasyon nila, ang pumasok sa isip namin ay ang kantang ginawa nina Rodgers at Hammerstein sa Flower Drum Song, na ang sabi “what are you going to do about the other generation? How are you going to communicate without communication.”

Kahit nga si Vilma Santos nagsabi na hindi na niya alam ang kalakaran ng mga bata ngayon kaya kailangan niyang matuto at magpaturo kina Luis at Ryan (mga anak niya). Ibang henerasyon na iyan eh. Kagaya rin namin, ang madalas naming kakuwentuhan mga bagets, kasi iyon ang paraan para mas maintindihan ang susunod na henerasyon. Kung hindi mo gawin iyon ‘di naging alien ka sa mundong ibabaw. Madalas nga naming sinasabi, kabisado na namin ang style at kaisipan ni San Francisco at Santa Clara pero 12th century pa iyon. Wala pa ngang sayaw na boogie noon. Ang damit ng babae hindi puwedeng labas ang binti, eh ngayon lumalabas ng bahay na “pekpek” shorts na lang ang suot. Ibang henerasyon na eh at kailangang sumunod ka sa panahon. 

Iyong 30 years, malaking age gap. Noon pinapangarap pa lang nating makunan ng picture ang buwan, ngayon ang tao pabalik-balik na sa buwan, at nakalapag na nga hanggang sa Mars. Noong panahon namin basta sinabing pupunta sa Mars, sa isang disco iyon sa Makati Avenue. Ngayon ibang planeta na.

Ganyan kalaki ang problema ng ibang henerasyon at iyon ang problema ni Ai Ai. Ibang henerasyon na si Gerald eh. Noong araw nga may nakilala kami eh, ang ganda talaga mukhang kumakagat naman sa bolahan, kaso nang malaman naming 21 lang pala eh kami noon 43 na, sabi nga namin kalokohan na ito, hindi tama. Sabi pa sa amin niyong kuya, ”bakit hindi ka na pumupunta sa amin?” Sabi nga namin ikaw lang eh, sampung taon na ang tanda ko sa iyo, sa kapatid mo pa na 20-anyos ang agwat, mahirap iyon.  

Eh iyong pinasok ni Ai Ai 30 years pa ang age gap at saka mas karaniwan pang mas matanda ang lalaki kaysa babae, pero iyong babae ang matanda sa lalaki, malabo iyon. Tapos iyong babae pa ang mas malaki ang kinikita kaysa lalaki, aba mas matindi iyon. Kaya iyan namang kaso ni Ai Ai sa simula pa lang alam mo nang walang mangyayari. Eh si Ate Vi nga noon 35 lang, eh gusto niyang magka-anak, tumigil siya. 

Eh si Ai Ai 60 na paano pa magkaka-anak iyan? Masakit isipin na ang isang lalaki ay nag-aasawa para magkaroon ng anak, walang lalaking nag-asawa na talagang asawa lang ang hanap. Kaya tama rin si Ai Ai, unawain na lang niya ang nangyari sa kanyang buhay. Inunawa rin naman  siya ni Gerald noong una, at lumigaya naman siya sa kanyang buhay kahit na paano.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …