Sunday , December 22 2024
Roselio Troy Balbacal

Part time actor-businessman Troy itutuloy pagtulong sa TUY, Batangas 

MATABIL
ni John Fontanilla

MULA sa pagiging kagawad, tatakbo namang konsehal ng TUY, Batangas ang part time actor, businessman and politician na si Roselio “Troy” Balbacal.

Umpisa pa lang ay nasa puso na ni Troy ang pagtulong kaya naman sa pagkakataong ito ay sa mas mataas namang posisyon ang kanyang susungkitin para mas marami pa siyang taong matulungan.

Katulad na lamang ng kasagsagan ng  kalakasan ng bagyong Kristine ay lumabas ito at inihatid sa kani-kanilang lugar sa TUY ang mga taong na-stranded at walang masakyan pauwi.

Siya rin ang bumuo ng  samahang TUY Vegestable Growers Association o TVGA kasama si Ms. Maria Magtibay na may 550 members na.

Ayon kay kagawad Troy, “Wala man kaming maraming pera pero tutulong kami sa paraang abot ng aming makakaya.”

Dagdag pa nito, “At kung para sa atin, pero kung hindi walang magbabago tutulong pa rin tayo. 

“Dahil lumaban naman tayo hindi para sa sarili, kundi para sa nakararami. Kung may nagawa man tayo noon itu-TuROY – TuROY lang natin ngayon.” 

Ka- partido ni kagawad Troy sa Team 22 sina Mayor Jey Cerrado at Vice Mayor Randy Perez Afable.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …