Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ivana Alawi Mona Alawi

Ivana Alawi nanggigil, napamura sa mga nanlait sa bunsong kapatid 

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naiwasang mapamura ng actress-vlogger na si Ivana Alawi sa sobrang galit sa mga basher ng kanyang bunsong kapatid na si Mona Alawi.

May sakit na Type 1 diabetes si Mona na nagiging pulutan ng mga taong walang magawa kung hindi manlait at mang bash.

Sa YouTube vlog nga ni Ivana ay ibinahagi nito  ang rason kung bakit siya naospital, at dito na sumabog ang aktres at ipinagtanggol ang bunsong kapatid.

Sa mga namba-bash kay Mona, mga put***ina nyo! Imagine nyo, sa ganoong pain sumusuko na ako sa life, e mas matindi naman ‘yung pain niya, tapos ba-bash-bash n’yo ‘yung bata.”

Tang*** may sakit na nga ‘yung tao tapos gaganunin-ganunin n’yo? Get a life!

“Napakapangit n’yo kasi kaya kayo namba-bash. Bakit? Nanggigil eh,” dire-diretsong sabi ni Ivana. 

Dagdag pa nito, “Sige i-repost n’yo ‘to sa TikTok para makita ng mga ha*op na bashers!” 

“Kung gusto n’yo mam-bash, sa akin na lang kayo mam-bash wala naman kasi kayong…Ampangit n’yo kasi. 

“Alam n’yo, siguro malungkot lang kayo sa buhay n’yo.

“Ang lala ng mga bashers, napaka-bitter n’yo sa buhay. Napakapangit siguro ng buhay n’yo para mansaktan ng ibang tao na wala namang ginagawa sa inyo. I hope karma gets you.”

Hindi na nga napigilan pa ni Ivana na sumabog sa galit. Okey lang daw na siya na lang ang tirahin ng mga basher ‘wag lang ang pamilya niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …