Thursday , November 21 2024
Carl Balita Plataporma

Willie gustong usisain ni Dr Carl plataporma sa pagtakbo bilang senador

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ISANG makabuluhang programa ang sisimulan ni Dr Carl Balita ngayong Biyernes, ang Plataporma na hatid ng Dr Carl Balita Productions at The Manila Times.

“Isa itong programa na ang mga political aspirant ay mapag-uusapan ang kanilang mga plano para sa ikabubuti ng sambayanan at ng bansa sa pangkalahatan,” paliwanag ni Dr. Carl ukol sa kanilang show. 

Ang Plataporma ay matutunghayan sa Luzon, Visayas, at Mindanao at masusulyapan kung ano ang mga pangangailangan ng mga Filipino. Itatampok sa show ang mga segment na: Plataporma – propesyonal na background at mga plano na gagawin para maging kapaki-pakinabang ng mamamayan at sa bansa; Data Po Sa Amin-mga solusyon na maibibigay sa mga estatistikang ipakikita ng show; Pili-Pinoy—makinig at sagutin ang mga tanong ng masa; at Ang Aking Kumpisal– isang intimate at tapat na pagtatapat sa mga tao.

Mapapanood ang Plataporma with Dr. Carl E. Balita simula Biyernes, Nobyembre 8,  5:00-6:00 p.m., sa Facebook, YouTube, TikTok, The Manila Times; DZME: at sa iba pang cable channels.

Si Prof. Clarita R. Carlos ang unang makakapanayam ni Dr. Carl. Si Carlos ay professor sa Department of Political Science sa UP at executive director ng Center for Political and Democratic Reform, Inc. (CPDRI), na sa kasalukuyan ay head ng Office of Strategic and Special Concerns ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).  Naging  presidente rin siya ng National Defense College of the Philippines simula 1998 to 2001, consultant sa Senate of the Philippines at House of Representatives at Local Government Development Foundation simula 2003; consultant sa OPAPP sa GPH-MILF peace negotiations (2008-2010); director ng Philippine National Red Cross (2001-2006); at consultant sa GRP-RAM negotiations. 

Nire-recognize si Prof. Carlos bilang pioneer sa Political Psychology sa Pilipinas. 

Matapang at walang takot na sasagutin ni Dr. Carl kung anong klase ng mga botante mayroon ang Pilipinad gayundin ng mga politikong tumatakbo. Abangan ang kanyang mga pasabog sa mga katanungan ni Dr Carl na kilalang nurse, midwife, educator, entrepreneur, at multimedia personality.

Ayon kay Dr Carl datos ang ihaharap niya sa mga kuwestiyong ibabato niya sa mga politikong guest sa show. Ibig sabihin, kailangang pakitaan din siya ng resibo at hindi manggagaling lamang sa kung saan-saan at kung ano-anong sagot.

Naka-line up niyang intrrbyuhin sina Cong. Teddy Casiño, Cong. Wilbert LeeKiko Pangilinan, Bam Aquino at marami pang iba.

Gusto ring makapanayam ni Dr Carl si Willie Revillame at gusto niyang usisain ito sa plataporma sa pagtakbo bilang senador.

I want to ask him, if he understands the role of senator. Because I think the public want to answer that. Not because, I don’t want him to win, but I want to give him sa platform to explain more, why winning is more important to him than being prepared to the job.

“You can’t be admitted to the job, then learn about the job later, it’s basic,” anang educator.

“Kukuha ka nga ng katulong sa bahay, tatanungin mo muna kung ano ang alam niya, kung saan galing.  ‘Yung driver, hihingian mo ng NBI clearance, baka mamaya carnapper pala, very basic ‘yun.

“‘Yun pa kayang maging isang Senador,” sabi pa ni Dr Carl.

Sa show, nais iparating ni Dr. Carl sa mga Pinoy, “naiintindihan ba ng mga tatakbo ang totoong problema ng Pilipinas?

“Gusto kong ibandera sa publiko ‘yun, na ito ba ang iboboto n’yo. Alam ba niya sagutin ang mga tanong, na dapat tinatanong sa isang senador?

“Ikaw ba ay isang senador para lang magbigay ng ayuda o mag-imbestiga lang?”

May karapatan si Dr Carl magbigay ng kanyang kuro-kuro dahil ginawaran siya ng “Best Media Personality in Public Service” ng Golden Dove Awards. Nag-host ng Radyo Negosyo sa DZMM sa loob ng 20 taon, isang Hall of Fame awardee para sa “Best Business Program.” 

Nakakuha siya ng halos limang milyong boto noong Mayo 2022 na halalan para sa Senador.

Marami pang kaabang-abang sa Plataporma ni Dr Carl na makatutulong para sa tamang pagpili ng mga iboboto sa eleksiyon.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Huwag Mo Kong Iwan Rhian Ramos JC de Vera Tom Rodriguez

Huwag Mo ‘Kong Iwan nina Rhian, JC, at Tom, mapapanood na sa Nov. 27

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAPAPANOOD na next week ang family drama movie na Huwag …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

24 Oras

Award-winning flagship newscast ng GMA pinaka-pinagkakatiwalaan pa rin

RATED Rni Rommel Gonzales SA pananalasa ng Super Typhoon Pepito nitong Linggo (Nov. 17) sa …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …