Sunday , December 22 2024
Sexual Harassment

Sexual harassment noon at ngayon 

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAMAK ngayon ang sexual harassment. Basta nagkaoon ng umpukan, tiyak na ang usapan ay mayroong indecent proposals. Bago ba iyan sa showbiz? 

Sa natatandaan namin hindi na. Tama ang direktor na si Joel Lamangan  nang sabihin  niyang,“panahon pa ng kopong-kopong mayroon na niyan.” Pero noong panahong iyon ang mga ganyang bagay ay hindi lantaran. At siguro masasabi nga natin na noong panahong iyon hindi pa uso iyang sexual harassment. Kung mayroon mang lalaking pumatol sa bakla, pumatol iyon hindi pinilit. Ang problema ngayon ay iyong pilitan eh.

Nagsisimula pa lang kami sa trabaho naming ito nang may isang mayamang banker na ipinakilala sa amin, tapos binulungan kami ng nagpakilala, iyon daw ang bading na kabit ng isang sikat na aktornoong panahong iyon. Tapos may isang sikat namang matinee idol noon na sinasabing nahuli raw sa isang raid sa masahehan ng mga bakla sa Quezon City. Lantaran ang relasyon niyon sa isang baklang publisher ng mga komiks at isang supporting actor na may pangalan na rin naman. Hindi ba may isang sikat na action star na 15 taong nakatira sa bahay ng kanyang manager na bakla? Hindi nga ba may dalawang gay producers na muntik nang magbakbakan dahil sa isang action star, at natapos na lang ang problema nang bayaran ng P1-M ang isang producer na bakla ang kontrata ng action star sa isa pang producer ding bakla. Uso na iyan noon.

May isa pang aktor na iniwan ang manager niyang bading matapos bayaran iyon ng P1-M din ng isang mas mayamang bading na banker na nagsustento sa kanya at sa kanyang pamilya.

Kung pag-uusapan natin ang lahat ng relasyon ng mga artistang lalaki at mga bakla, walang katapusan iyan. May nauna pa riyan, panahon pa nga kasi raw ng kopong-kopong ay mayroon na niyan. Ang mga bakla nga lang noon may kahihiyan pa. Patago ang kanilang ginagawa. Hindi gaya ngayon na lantaran na sa publiko ang kabadingan at panlalalaki. Ang mga lalaki nga ngayon parang naging comon commodity na ng mga bakla.

Hindi na rin bago iyong kuwentong nayari siya ng bakla. “Kasi nalasing ako eh.” O kaya naman, “kailangan ko ng pera eh may magbibigay ba naman sa akin ng walang kapalit?” Mayroon pa kaming narinig, “nawalan ako ng trabaho eh, kaya 20 taon akong umasa sa bakla.”   

Pangit na iyan. Pero ang mas pangit ay iyong maririnig mo na pinuwersa ng mga bakla para mayari ang lalaki. Iyon ang mas lalong hindi katanggap-tanggap.

Ewan kung ano ang inyong paniniwala sa mga bagay na iyan, pero para sa amin, hindi naman kasalanan ng tao na maging isang bakla, ang kasalanan doon ay ang pakikiapid sa kapwa lalaki o hindi man pakikiapid, ang pagkakaroon ng pagnanasa sa kapwa lalaki. Hindi lang naman mga bakla ang sinasabihan ng ganyan. Iyong lalaking nakikiapid sa hindi niya asawa, nangangalunya na iyon. Iyong babaeng pumatol sa lalaki na hindi niya asawa, nangangalunya rin. Iyong tomboy na kumabit sa babae, nangangalunya rin iyon. Kaya walang pagtatangi, walang discrmination diyan, ang sino mang makiapid sa hindi niya asawa ay nangangalunya. Iyong pupuwersahin mo pa ang lalaki o ang babae, mas matinding kasalanan iyon sabihin mo mang ikaw ang may ari ng kanilang kaluluwa at ikaw ang may-ari ng universe, kahalayan pa rin iyon. Iyong panonood ng porno, o mga pelikulang nagpapakita ng sex, masama rin iyon. Iyong gumagawa at nagpapakalat ng scandal sa internet hindi rin tama iyon.

Basta sa amin ang paniwala namin, maging babae, lalaki, bakla o tomboy ang pumilit sa sex,rape iyon. Basta hinalay, acts of lasciviousness iyon.

Naalala namin ang isang kuwento noong kami ay court reporter pa. May hearing ng kasong rape at tinawag ang witness na isang taxi driver, “tatlo po silang lalaki eh, biglang sumakay tapos dala na nila iyong babae. Pumipiglas iyong babae pero wala rin akong magawa baka ako barilin niyong tatlo. Tapos noong madaan ho kami sa isang damuhan, pinahinto ako. Hinubaran nila iyong babae at doon binanatan nila nang binanatan.” Nagbulungan sa korte, pinupok naman ng judge ang kanyang gabel at sinabi sa abogado, “tell your witness to change his words, tell him to use methaphore.” 

Sinabihan naman ng abogado ang witness, “palitan mo raw ang salita mo, huwag iyong ganoon.” Sumagot ulit ang witness, “iyon nga po ibinaba nila iyong babae sa damuhan. Hinubaran nila tapos pinatungan nila, tinira nang tinira.” Iyong abogado ang kinagalitan ng jugde, dahil alam naman niyang kapos siguro ang pang-unawa ng witness. “Tell him to change his language and use metaphore.”Nilapitan ng abogado iyong driver at sinabi, “huwag daw iyong bastos na salita. Bawal iyon sa korte, gumamit ka ng metaphore.” 

Nainis na rin ang witness kaya nang magsalita ulit ang witness sinabi niya, “mayroon nga pong madilim na damuhan, ibinaba nila roon iyong babae, kitang-kita ko sinira nila ang damit.”

Tapos ano ang nangyari?” tanong ng abogado. “Iyon nga ho hinubaran nila iyong babae tapos minetaphore nila nang minetaphore.” Nagtawanan ang mga tao sa loob ng korte at sa inis ng judge lahat ng nagtawanan ng malakas ay pinatawan niya ng contempt of court, kabilang na kami at iniutos na makulong kaming lahat ng isang oras. Natawa ka lang naman at ang masakit, sa tuwing kailangan mo ng court clearance lumalabas na nagkaroon ka ng kasong contempt of court, dahil lang sa natawa ka sa “minetaphore nang minetaphore.”

Ang gusto lang naming sabihin sa mga bading kumbinsihin ninyo. Kung ayaw huwag naman ninyong ime-metaphore.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …