TINALO ni Donald Trump si Kamala Harris upang maging ika-47 Presidente ng Estados Unidos — nagbalik sa ilalim ng Republican na ang unang termino ay nagtapos na inaatake ng kanyang supporters ang US Capitol —nahaharap sa litanya ng criminal charges at dalawang assassination attempts sa pagbabalik niya sa White House.
“This is the greatest political movement of all time,” ani Trump sa kanyang victory speech. “We have a country that needs help, and it needs it very badly.”
Si Trump ay ikalawa sa mga US Presidents na nagbalik sa Oval Office nang mabigo sa kanyang pagbabalik noong nakaraang eleksiyon.
“To pull it off, Trump overcame a series of obstacles that might have derailed other candidates, including the bullet that bloodied his ear at a July 13 rally in Pennsylvania,” pahayag ng kanyang mga tagahanga.
Ang panalo ni Trump ay testimonya ng kanyang iron grip sa Republican Party — at sa kanyang dating appeal sa mga botante, na mas pinili ang kanyang polarizing style kaysa conventional approach ni Harris. (YAHOO NEWS)