Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tom Rodriguez

Tom ibinuking ang anak na lalaki sa drawing

HATAWAN
ni Ed de Leon

MAY nai-post lamang isang drawing ng isang baby boy si Tom Rodriguez at pumutak na agad ang mga marites: Inaamin na raw ba ni Tom na siya ay may anak na isang batang lalaki?

Ano ba naman iyan. drawing lang eh kung ano-ano na agad ang naisip ng mga tao. Ni wala pa ngang nababalitang naging syota si Tom matapos makipaghiwalay sa asawa ng ilang buwan lang na si Carla Abellana, tapos ngayon ang tsismis may anak na?

Hindi pa kasi masyadong nagiging visible ulit si Tom simula noong magbalik, pero may mga usapan nang mukhang may gagawin siyang isang serye at isang pelikula. Si Tom naman ay tipong pang-leading man talaga at sa ngayon kulang na kulang nga tayo ng leading men. Ang lagi na lang nasa isip ay sina Gabby Concepcion, Christopher de Leon , Piolo Pascual, at Aga Muhlach. Si Richard Gomez naagaw na ng politika totally. Kailangang kailangan talaga natin  ng kalibre ng isang leading man, at kaya iyon ni Tom.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Ai Ai delas Alas Empoy Marquez

Ai Ai ayaw manira ng masayang pamilya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “AYAW kong manira ng masayang pamilya!” Ito ang iginiit ni Ai Ai delas …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …