Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bea Alonzo Lyle Menendez
Bea Alonzo Lyle Menendez

Bea bakit naisip gayahin si Lyle Menendez?

HATAWAN
ni Ed de Leon

HONESTLY, nang una naming makita ang picture na iyon sa internet, hindi namin naisip na isa iyong Halloween get up. Ang unang pumasok sa isip namin ay baka isang bagong male model. O isang influencer sa social media o isang bagong nag-aambisyong mag-artista. Ni hindi namin naisip na iyon ay isang babae na nakadamit lalaki bilang costume nga sa Halloween.

Noong uminit na ang usapan kay Bea Alonzo at sa ginawa niyang halloween character, hinanap namin ang pinag-uusapang picture at iyon nga ang lamabas, may caption, “Call me Lyle.”  Pinagmasdan pa naming mabuti, si Bea nga ba iyan? At natawa na lang kami sa maraming comment na nagsasabing, “ang pogi pala ni Bea kung naging lalaki.”

Naisip nga namin huwag mo nang isiping kung naging lalaki. Kung naging tomboy lang iyang si Bea at ganyan ang hitsura, hahabulin din iyan ng mga babae. Kung naging tomboy si Bea, sa hitsura niyang iyon. Ano ang panama ni Jake Xyrus at ni Ice Seguerra. Baka nga kahit na bakla ay habulin siya eh.

Pero dahil sa mga basher, inalis ni Bea ang nasabing picture. Marami ang nagsabing ni hindi na dapat na pinapansin iyong si Lyle Menendez kasama ang kanyang kapatid na si Erick. Pinaslang nila ang kanilang mga magulang noong 1989. Nakalusot pa sila sa krimen noong una, pero maraming sumunod na nangyari. Kumuha sila ng isang computer expert para baguhin ang last will ng kanilang ama, at nang makuha nila ang kayamanan nagmamadali silang lustayin iyon. Tapos hindi rin siguro makayanan ng konsensiya, naipagtapat nila ang krimen sa isang Psychiatrist na nangangalaga sa kanila na siya namang ang-tip off sa mga pulis tungkol sa krimen.

Ang magkapatid ay nasintensiyahan ng double life without parole.

Bina-bash pa rin si Bea dahil sa ginawa niyang iyon, pero mukhang walang nagtanong sa kanya tungkol doon.  Oo masahol pa sa monster ang magkapatid na Menendez at magiging kaiba-iba nga namang Halloween costume iyon pero bakit nga ba naisip ni Bea si Menendez?

Iyon ay isang magandang katanungan para sagutin, pero dahil binash na nang husto si Bea, palagay namin hindi na siya magsasalita ng tungkol sa ano pa mang may kinalaman sa kanyang halloween get up na iyon. Pero in fairness talaga, ang pogi ni Bea.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …