Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos VSSI

Vilmanians ikinakasa malaking birthday celeb ni Ate Vi

HATAWAN
ni Ed de Leon

ANG nauna nga sanang plano ng mga Vilmanian, iyong VSSI. Isasagawa nila ulit kung paano ang birthday celebration ni Ate Vi noong araw. Ang naunang plano ay hahanap sila ng isang malaking venue, at saka sasabihan ang mga miyembro nila sa probinsiya na magpunta.

Gusto nilang ma-recreate iyong ginagawa nila noong 70’s at 80’s na talagang dagsa ang fans kung birthday ni Ate Vi. Kasi sa birthday niya may malaki sana silang suprise bukod sa makikita ngang muli ni Ate Vi ang lahat ng hukbo ng kanyang fans. Natatandaan namin noong araw bata pa si Ate Vi at doon pa sila nakatira sa La Loma, Quezon City, aba kung birthday ni Ate Vi, nakalinya ang napakaraming bus sa kahabaan ng A. Bonifacio, roon sila naka-park. Isang araw pa bago ang birthday ni Ate Vi nandoon na sila, sa bus na natutulog. Ang alis niyon ay gabi na pagkatapos ng party ni ate Vi. Hindi naman lahat sila ay makasasali sa party dahil maliit lang ang lugar, pero  iyong masabi lang nila na naroon sila sa birthday ni Ate VI maligaya na sila. Ganoon din sana ang plano nina Jojo Lim, para makita ni Ate VI na wala pa ring nagbago, present pa rin silang lahat. 

Kaso nagkasunod-sunod ang bagyo, marami ang binaha. Maging si Ate Vi ay natali sa relief operations kaya nasabi nilang huwag na lang, mahaba pa naman ang panahon na makakasama nila ang Star for all Seasons.

Siguro kung ang sitwasyon ni Ate Vi ay matandang-matanda na, hindi na makalakad at mukhang bibigay na rin, magpipilit na ang Vilmanians. Eh hindi pa eh, sumasayaw pa nga si Ate Vi sa Tiktok.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

MMFF Parade

MMFF Parade of Stars magsisimula sa Macapagal Ave

I-FLEXni Jun Nardo PARADE of Stars ngayong hapon para sa 51st Metro Manila Film Festival sa Makati City. …

ABS-CBN ALLTV TV5

ABS-CBN bayad na raw utang sa TV5 

I-FLEXni Jun Nardo BAYAD na raw ang obligasyon ng ABS-CBN sa TV5. Ayon ito sa kumalat na press release …

Zsa Zsa Padilla Aliw Awards

Aliw Awards nag-sorry kay Zsa Zsa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HUMINGI ng paumanhin ang Aliw Awards Foundation sa aktres/singer, Zsa Zsa Padillamatapos isauli ang Lifetime …

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …