Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Umali Ruru Madrid

Bianca pinabulaanan pagli-live-in nila ni Ruru

MATABIL
ni John Fontanilla

MARIING itinanggi ni Bianca Umali ang bali-balitang nagli-live in na sila ng kanyang boyfriend na si Ruru Madrid.

Sa guesting nito sa Fast Talk ni Kuya Boy Abunda, klinaro ni Bianca ang katotohanan sa malisyosong tsismis.

Klaruhin natin…Hindi pa po kami kasal. At definitely, hindi po kami magsasama ng hindi kami kasal,” ani Bianca.

Pero very honest naman nitong sinabi na sa pitong taon nilang relasyon ay napag-uusapan na rin nila ang tungkol sa kasal.

Kami po ni Ruru ay, of course, we are on our  7th-year-of-the-relationship. Of course, our conversations are there.

Pero sa ngayon, mina-maximize po namin ang aming individual careers. At, oo, madali lang pong sabihin na handa na kaming magpakasal. Because in our hearts, we are really ready,” anang dalaga. 

Pahabol pa ni Bianca na malabong mangyari na mag-live-in sila dahil labag ito sa mga aral ng Iglesia ni Cristo na kapwa sila miyembro. Magsasama lang daw sila sa iisang bubong kapag kiinasal na sila.

Sa ngayon ay prioridad nila ang kani-kanilang career.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …