Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Archie Alemania Rita Daniela

Archie Alemanya tsinugi sa serye

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN kung totoo ha, baka sabihin na naman ng GMA nagkakalat kami ng fake news. Pero may balita na inalis na raw si Archie Alemania sa ginagawa nilang serye matapos ireklamo ni Rita Daniela ng pambabastos sa kanya.

Marami ang nagtatanong, bakit ang bilis ng desisyon nila laban kay Alemania, samantalang hanggang ngayon ay wala pa silang inilalabas na resula sa imbestigasyon nila sa kanilang mga independent contractors na sina Jojo Nones at Dode Cruz

Si Alemania ay tanggal agad. Dahil iyon ang hiningi ni Rita. Ang lakas naman pala ng apo ni Teroy de Guzman. Si Sandro Muhlach, nagtatanong kung kailan nila ilalabas ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa kaso niya, pero naka-pending pa rin sa GMA. Sa TV5 inalis din agad ang tauhan nilang si Cliff Ginco matapos sampahan ng reklamo ng isang baguhang contractual employee ng TV5 ng sexual harssment din.

Bago pa ang mga imbestigasyon, ipinatawag ni GMA Vice President Annette Gozon ang kampo ni Sandro at ang dalawang contractors sa bahay niya para sa isang reconciliation meeting. Hindi nga lang pumayag si Nino at gusto niya ay managot sa batas ang humalay sa kanyang anak. Kaya tinaggihan niya pati ang alok ng dalawa na mag-donate ng pera sa alin mang charitable institution na ituturo ni Nino. Na itinanggi nina Nones at Cruz sa Senado maliban sa inamin ni Anette sa isang sionumpaang affidavit na kaharap siya at nagkaroon ng ganoong offer. Kaya binawi naman ni Nones na nagsabing gusto lang din daw nilang makatulong sa iba pero hindi iyon areglo.

Hindi ba naniniwala ang GMA na maaari ring ma-rape ang lalaki? O may malakas bang impluwensiya ang abogado ng dalawang baklang independent contractors sa GMA kaya mabilis ang aksyon? 

O malakas sa kanila ang impluwensiya ng mga bakla dahil wala rin silang inilalabas na ano man sa reklamo ni Gerald Santos at Enzo Almario? Tahimik din sila noon sa naging reklamo ni Mike Tan laban sa isang baklang direktor. Hindi iyan pagkakalat ng fake news ha, naiisip lang namin ang sitwasyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …