Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Pasig City

Pasig City gov’t political officer bistadong lider ng ‘troll campaign’

PASIG City – Isang Universal Serial Bus  (USB) ang nagbisto sa sinabing ‘troll campaign’ operations na inilunsad ng grupo ng mga batang technology savvy laban sa natalong politiko ng nabanggit na lungsod noong halalang 2019.

Ang 29-anyos lider ng nasabing “technophiles” ay isa na ngayong political affairs officer ng Pasig City government at pinangambahan na patuloy sa trabaho nitong administrator ng ‘troll page’.

Sinabi ni Nep Castillo, ang reporter ng Pasig-based news website na BRABO NEWS, natanggap niya noong 30 Oktubre 2024 ang isang parcel na naglalaman ng naturang USB na umano’y nakadetalye ang “troll campaign” operations laban sa pamilyang Eusebio na nakalaban ni Mayor Vico Sotto noong 2019 local elections.

Nakapaloob sa nasabing USB ang umano’y binuo na sanga-sangang kaugnayan ng naturang political affairs officer sa troll campaign gamit ang social media.

Ang sinabing troll campaign operation ay nagsimula noong 2019 nang unang tumakbo sa pagka-alkalde ng Pasig si Mayor Vico Sotto ba pinuntirya ang dating administrasyon ni Mayor Bobby Eusebio.

Nakapaloob sa portable document format (PDF) file sa USB, ang mga ginamit na iba’t ibang social media pages, at kapag may violations ay idinedeklara ng ‘page restrictions’ ng social media company at kaagad na magpapalit ng panibagong page.

Makikita sa nasabing dokumento na gumamit ng dummy accounts ang nasabing political affairs officer ng Pasig City government, ngunit lumitaw ang email address ng nasabing empleyado para sa payment option nito.

Hinihinalang ang nasabing email address ay lehitimong pagmamay-ari ng nasabing political affairs officer dahil ito rin ang ginamit niya sa isang LinkedIn public account.

Kalakip ng nasabing dokumento ang mga “resibo” bilang katunayan na siya umano ang nagbabayad ng troll operations sa loob ng tatlong taon, muli—gamit ang dummy accounts ngunit lehitimong email address.

Batay sa nasabing file, makikita ang ginamit na address ng nasabing empleyado na siya ring address na nakatala sa LinkedIn account nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PSC BCDA New Clark City

PSC at BCDA, pinagtibay ang makasaysayang pakikipagtulungan para sa training hub ng New Clark City

NEW CLARK CITY, TARLAC — Pormal na pinagtibay ng Philippine Sports Commission (PSC) noong Martes …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …