Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Wayne Sace

Sa Pasig
DATING CHILD STAR TIMBOG SA PAGPATAY SA KAIBIGAN

ARESTADO ang dating child actor na si John Wayne Sace itinurong responsable sa pagpaslang sa kaniyang kaibigan sa lungsod ng Pasig, nitong Lunes, 28 Oktubre.

Ayon sa mga awtoridad, natagpuang wala nang buhay at may apat na tama ng bala baril sa kaniyang katawan ang 43-anyos biktima matapos makarinig ang kaniyang mga kaanak ng mga putok ng baril sa Brgy. Sagad, sa nabanggit na lungsod, dakong 7:30 pm kamakalawa.

Agad naiulat sa pulisya ang insidente na sinundan ng pagkakadakip kay Sace na natagpuan sa isang hotel sa naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, matagal nang may alitan ang biktima at ang suspek na maaaring motibo sa pamamaslang.

Dinala si Sace sa Eastern Police District Headquarters upang sumailalim sa paraffin test saka ibinalik sa kustodiya ng Pasig CPS.

Bago ang kaniyang pagkakaaresto, nakapag-post si Sace sa kaniyang Facebook na nagsasabing, “Nagtutulak kayo ng droga nang palihim ‘di ba? ‘Yung mga buhay na sinira n’yo? May kalaban laban ba? ‘Yung mga ninakawan n’yo? Meron? ‘Wag kayo pa-victim. Ilang beses n’yo na ko pinagplanohan katulad kagabi??? Ha di ba? ‘Pag umalis ako papatayin n’yo pamilya ko?”

Patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya upang matukoy ang totoong motibo sa pamamaslang.

Noong 2016, nabalitang sugatan si Sace habang namatay ang kaniyang kasama nang paputukan ng baril ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa lungsod din ng Pasig.

Gayondin, nakatala si Sace na sangkot sa paggamit ng ilegal na droga. (HNT)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …