Sunday , October 27 2024
Sarah Discaya Pasig

Mayor Sotto nahigitan ng mayoralty aspirant na si Sarah Discaya sa disaster response — Kilos Pasig

NAHIGITAN ng mayoralty aspirant na si Sarah Discaya si Mayor Vico Sotto sa pagtugon sa epekto ng Typhoon Kristine matapos makita ang disaster response sa lungsod ng Pasig.

Pahayag ito ni Ram Cruz, ang co-convenor ng advocacy group na Kilos Pasig, base sa kanilang monitoring sa mga tumutulong sa libo-libong pamilya na naapektohan nitong nagdaang bagyo.

Si Cruz at ang advocacy group niyang Kilos Pasig ay masugid na tagasuporta ni Sotto noon pang 2019 nang una siyang umupong alkalde ng lungsod.

Ngayong paparating na May 2025 mid-term elections ay mariing sinusuri ng grupo ni Cruz, na kinabibilangan ng iba’t ibang sektor, ang mga ginagawa at mga proyekto ng pamahalaang lungsod sa pamamahala ni Sotto, upang tuusin kung alin-alin ang mga natupad nitong pangako sa mga Pasigueño.

Mariing sinusubaybayan ng Kilos Pasig ang pagkilos ng makakatunggali ni Sotto na si Sarah Discaya kung katanggap-tanggap siyang lingkod-bayan at kung tapat sa gawaing pagtulong noon pa man sa mga kapos-palad na taga-Pasig.

“Kahapon ng umaga, habang tulog pa si mayor, ay nagpunta sa ilang evacuation centers si Discaya tulad ng Stella Maris, Barangay Maybunga Bliss, at Barangay Pinagbuhatan upang mamigay ng mga grocery, food packs, at ready-to-eat food galing sa “Kusina ni Ate Sarah” para sa mga nasalanta ng bagyo,” pahayag ni Cruz ayon sa monitor ng Kilos Pasig.

Ang naturang programa ay nangyari umano mula umaga hanggang hapon habang nag-iikot ang Ate Sarah mobile kitchen sa buong Pasig para mabigyan ng pagkain at malinis na tubig ang mga nasalanta.

Pinasalamatan din umano ni Discaya ang mga volunteer sa pagtulong sa mga biktima ng bagyo sa iba’t ibang barangay ng lungsod.

“Kahit walang pasok kahapon dahil Signal No. 2 ang Metro Manila ay pumasok sila para tumulong at mag volunteer sa pag-repack ng mga relief goods,” ayon sa ulat na ipinarating sa Kilos Pasig.

Sa isang Facebook video na ini-upload ng netizen na si Steve ay bulto-bultong food at grocery packs pati na wheelchairs na galing kina Discaya ang nakitang inihahanda bago pa nanalasa ang bagyo upang maipaabot at maibigay sa mga evacuees na Pasigueños.

“Alagang Ate Sarah, Kuya Curlee para sa Pasigueño sa patuloy na pag-repack ng relief goods para sa mga nabaha nating mga kababayan sa Pasig. Kaya po antabayanan na lang po sa inyong lugar ang agarang paghatid tulong ni Ate Sarah at Kuya Curlee,” sabi ni Steve sa kanyang Facebook post.

Sa kabilang banda naman ay naipost ng Pasig Information Office ang umano’y pag-inspection at pagkaway-kaway ni Mayor Sotto sa mga evacuation centers ng lungsod upang makapaghanda sa pagtama ng bagyo.

Dagdag ng Pasig City Facebook page na inikot-ikot umano ng alkalde ang paghahanda ng mga barangay officials sa posibleng kalamidad na dulot ng bagyong Kristine.

Pinayohan ni Sotto ang mga Pasigueño na laging bitbitin ang kanilang mga Pasig Go Bag sa oras na kinakailangan nilang lumikas, pero wala umano itong maisagot sa mga pangangailangan ng Pasigueñong mailagay sa evacuation bag.

May mga puna pang naiparating sa Kilos Pasig na hindi umano naramdaman ang materyal na tulong ni Sotto kasi panay lang ang ikot-ikot nito at kaway-kaway sa kasagsagan ng masamang panahon.

Base sa DTI 2024 Rankings of Highly Urbanized Cities under the Cities and Municipalities Competitive Index, mula sa 4th place nito noong 2019 ay bumaba sa 10th place ang Pasig sa kategoryang government efficiency na tumutukoy sa kalidad at maaasahang government services at support. Mula naman sa 10th place ay naging 12th place ang lungsod sa resiliency category.

Ginamit ng netizens ang social media bilang daan upang tawagin ang pansin ng Pasig local government unit upang maipaabot ang mensahe ng pangangailangan sa mga rescuers sa kasagsagan ng bagyo.

Makikita ang pagtawag ng netizens sa Pasig LGU na magpadala ng service vehicles sa iba’t ibang bahagi ng Pasig para sa mga stranded na pasahero, pero walang agarang tugon.

Ayon sa Kilos Paaig ay nauna nang nagpadala ng coaster buses at trucks si Discaya kasama ang kanilang fire and rescue volunteers upang sunduin at tulungan ang mga stranded passengers mula Pasig palengke area, Shaw Blvd., A. Mabini St., Meralco Ave., Caruncho Ave., Urbano Velasco Ave., San Aguatin Ave., at kalye Eusebio papuntang Pinagbuhatan.

Sa talaan na nakuha ng Kilos Pasig mula sa charity foundation ng mga Discaya ay umabot sa 1,267 pamilya, o 4,680 Pasigueños ng 17 sa 30 barangays ng lungsod ang naabot ng ayudang bigas at grocery items mula sa pamilya Discaya sa loob lamang ng higit isang araw nilang disaster response.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Sandro Marcos

Sandro Marcos bumuwelta sa mga patutsada ni Sara Duterte

BINASAG na ng presidential son at Ilocos Norte Representative Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang kanyang …

Brian Poe Lamanzares FPJ Panday Bayanihan party-list

FPJ Panday Bayanihan party-list nasungkit No.3 sa balota

NAKUHA ng FPJ Panday Bayanihan party-list ang isang prominenteng posisyon sa 2025 midterm election ballot …

BuCor Bureau of Corrections

Sa buong bansa  
240 PDLs pinalaya ng Bucor

PANIBAGONG 240 persons deprived of Liberty (PDLs) ang pinalaya ngayong araw ng Bureau of Corrections …

Marco Gumabao Cristine Reyes

Marco Gumabao nag-aral para paghandaan pagkandidato

HATAWANni Ed de Leon MABUTI naman at naghanda pala kahit paano si Marco Gumabao kasabay ng kanyang …