Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kobe Paras Francis Arnaiz

Kobe Paras mala-Francis Arnaiz ang dating

HATAWAN
ni Ed de Leon

TALAGA namang sa ngayon isa si Kobe Paras doon sa mga eligible bachelor na hahabulin ng mga babae. Sikat, matangkad, magaling na basketball player, at higit sa lahat pogi. Kumbaga, si Kobe ngayon ang parang Francis Arnaiz noong araw.

Aba kung titingnan mo mas pogi pa si Kobe kaysa maraming mga artistang lalaki natin. Iyong hitsura ni Kobe, puwede mong ihanay kina Richard Gomez, Aga Muhlach, Gabby Concepcion at iba pang matinee idols. Kung hindi lang luminya sa basketball iyan, tiyak sikat na artista na rin iyan ngayon.

Kaya nga may nagbiro raw sa kanya minsan, “kaya sa pogi mong iyan, dapat ang naging girlfriend mo ka-level ni Kris Aquino o Sharon Cuneta.” Hindi raw pinansin ni Kobe ang nag-comment at tapos sinabing ayaw niyang nababatos o minamaliit ang kanyang girlfriend na si Kyline Alcantara.

Oo nga naman, sino ang may karapatan na maliitin ang isang tao?

At natural mag-react ng ganoon si Kobe kasi girlfriend niya iyon. Kami man kung may syota at pagsasabihan ng ganoon, baka mamura pa namin ang nagsabi niyon. Kung minsan mas masakit tanggapin iyong may sinasabing  hindi mganda sa syota mo kaysa iyo. Kung ikaw lang ang sasabihan ng hindi maganda, makakapagpasensiya ka pa eh. Pero iyong syota mo pagsabihan nang hindi maganda at sa iyo pa mismo sinabi, mahirap tantiyahin iyon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …